Sa unahan ng linya matatagpuan mo ako
Sa hanay ng masa . sa pagitan ng mga kulubot na mukha ng matatanda,.
Na naghihintay ng bigay na tipak na keso ng gobyerno,
Sa mga nagngangalit na ugat.
Tumitibok ng pag-asang sa susunod na araw
May darating mula sa kamay ng uring mangagawa,
Mula sa papalakas na pakikibaka sa gitna ng mainit na araw.
Huwag kang matanong hinggil sa akin
Matatagpuan mo ito
Sa dulo ng aking baril.
Sa sigaw ng milyong
Naghahangad ng pagbabago
Tubog sa pulang putik
ng sumisingaw ng lupa ng Montalban.
Sa bawat piraso ng nagbabagang uling,
Sa bawat patak ng pawis, bawat piraso ng akasya,
Sa bawat sentimong ipinapadala ko sa aking bayan.
Ang pagtighaw buhay na ito, ang inunan
Na hindi mapipigtal,
Kayat yakapin mo
ang Skyline at ang Paradise Hills.
Tuesday, June 8, 2010 at 5:59pm
( Salin mula sa tula sa Ingles ni Ree ng San Diego)
No comments:
Post a Comment