28.8.10
Mga Kwento ng Pag-Ibig
1.
Magkatabi sa higaan ang dalawang mandirigma,
nagtapat ng pag-ibig ang magaling na binata,
malungkot na sagot ng nagdadalmhating kasama:
"nang mamatay ang irog ko, puso ko'y namatay"
at idinatay ng lalaki ang kanyang paa at kamay
yumakap sa dalagang nabigla nagtanong:
Bakit ba?
"buhayin natin ang namatay mong puso."
sagot ng binata.
nang mag-init ang katawan,
dugo ay nabuhay pati pusong patay
tumibok nang masalsal
2.
Itong aktibistang tongo
na gustong manligaw
di makapagtapat sa babaeng minamahal,
nang nakasakay sila sa dyip
paatras mula sa naghahanap na mga pulis,
nagsalita ng di na makatiis:
" kung tumalon na lang kaya ako
dito tutal wala namang sa aki'y nagmamahal."
" Aba huwag" sabi ng kasama
" magtapat ka muna sa akin
bago ka magpakamatay"
3.
Ayaw paligaw ang dalagang-bukid
ayaw daw sa kasamang galing sa lunsod
ayaw daw niya sa presko at mabilis
nang payuhan ng kasamang maikli lang ang buhay
dahil maraming namamatay nang hindi nasagot
aba, kinabukasan, ang gulat ng manliligaw
kaagad na sinagot!
4.
Itong gitaristang deyokanong maginoo
hindi makaporma sa babaeng pinipintuho
alangan daw siya dahil magsasaka lang diumano
nagulat ng hinarana ng deyakonesa pinipintuho
kaya sa loob ng isang gabi, naayos ang butu-buto!
5.
Itong isang byudang kasama
di na raw iibig dahil siya ay tapat,
nang matagpuan
ang binatang bagito sa paglingap
aba'y bininyagan
ng ligayang di pa dinanas,
ayun nagsalo sa init ng magdamag
Monday, July 19, 2010 at 4:02pm
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment