Ikinwento ng matatanda
Sa mga bata sa harap ng mapulang atong
Ng nagbabagang apoy sa gitna ng gabi
Ang labanan sa Waga, Apayao;
sa bukana ng ilog Cabugao
kung saan nagtatagpo ang Pudtol at Marag,
papalabas ng Cagayan
tungo ng Lallo tila isang sawang namumulupot
at umaapaw sa tag-ulan;
Doon nagtipon lahat ng magiting na mandirigma
Lahat ng maaring humawak ng sandata
Mula edad trese hanggang sa pinakatanda,
Ihinasa ang kanilang mga aliwa,
Ang mga sibat at matatalim na pika,
Haharapin nila ang mga puti
Na may baril na mabilis na magbuga
Ng punglo tulad ng mga mestisong Kastila
Doon sa bukana ng Waga
Doon kung saan pumapagaspas ang hangin
nagdaaraan sa pagitan ng mga bundok
at makapal na parang,
Kung saan rumaragasa
ang mga naipong tubig
Tumatagos sa malalaking ,
at gahiganteng bato
dumaloy sa ilog ng Pudtol
Patungo sa malawak na ilog Pamplona
Kung saan nagwawakas ang mga talon,
Lumalagasgas ang tubig
Tulad ng mga alon sa tabing dagat
ng Aparri at Sanchez Mira
Doon mamumula ang tubig
Sa dami ng dugong tatatagas
Ng mga puti at tribong Isneg
Doon mawawakas ang tribo
o mabubuhay ng malaya
ang mga Apayao
Ngunit ayon sa kwento
ang mga Apayao ay nalipol
walang natira
sa mga mandirigma
Naubos silang lumalaban
Dahil muli may nagkanulo sa kanila
Tulad sa pasong Tirad,
Nang sa likod dumaan
ang mga tusong kaaway,
Iginiya ng mga kapwa Isneg na kampi sa puti
Na gumamit ng kanyong mabilis magbuga ng bala,
Nang gumamit ng mga Kastilang mersenaryo
At mga Cagayano ang mga kaaway
Sila ay nagapi ng kaaway.
Ngunit namatay silang lumalaban,
Ksama ng agos ng tubig,
Ng lagaslas ng mga talon,
Ng malakas na hampas ng hangin
Sa bukana ng ilog, nagigibabaw
Umaalingawngaw ang kanilang mga sigaw:
Laban, sugod, kamatayan o kalayaan!
Mabubuhay o mamatay
Ang tribong Isneg ng Apayao
Na lumalaban
Doon sa ilog ng Waga.
At ngayon, tahimik man ang ilog,
Umaalingawgaw pa rin ang putok ng kanyon,
ng masingang Gatling,
Ang repeke ng mga Sprinfield at Mauser
Na gumapi sa mga pika, aliwa
mga busog at pana ng mga Aggay,
Naubos man ang 5,000 mandirigma
ng Apayao sa labanan ng Waga ng 1913
Naroroon pa rin ang ilog
na saksi ng pinamadugong labanan
Sa kasaysayan ng hilagang Luzon
Nadi napapantayan.
Ngunit Enero ng 1987
Nang humanay
ang isang batalyon ng mga mandirigma
kaamiha’y kabataang Isneg,
Kalinga, Malaueg,
Dumagat, Aggay,
at iba't ibang probinsya ng hilaga
sa bagong panahon,
Ng bagong panahon
Dala ang mga armalite at masingan,
samut-saring armas
Samsam mula sa kaaway,
Muling nabuhay ang tribong
naglaho sa kasaysayan
Sa Ilog ng Waga,
nagmartsa ang unang batalyong pandigma
ng BHB upang sumabak sa matitinding labanan.
Ngayon, pagkaraan ng mga pagkakamali,
Masasabi kong hindi naulit
ang labanan sa Waga,
walang mapagpasyang labanang
inaasahan ng lambat-bitag,
Hindi naubos ang mga madirigma
kahit maraming napinsala
sa atrisyong naganap,
Bagkus ito ay nagpanibagong lakas
matapos ibaon ang bandila ng batalyon,
malansag ang mga pulutong,
upang muling pumalaot
sa gawaing masa,
Hindi na dumaloy
muli ang mapulang dugo sa ilog na ito,
ang naglahong tribo, ang 5,000
ay hindi namatay
at dumaoy sa ilog,
nagbunga ng mga binhi
Kumalat sa buong kapuluan
At sa pagpapanibagong lakas—
Ang diwa ng labanan ng Ilog Waga ng 1913—
Ay nagpasulong ng armadong labanan
mulng nagpula ng silangan
Sa aking bayan,
Nagbabadya
ng bagong kinabukasan.
Wednesday, July 28, 2010 at 7:26am
No comments:
Post a Comment