Noong araw, iniisip ko
Bakit ako ipinanganak
sa isang panahong
walang nangyayari?
Nakaupo sa lumang pader
Intramuros tanaw ang dagat,
Pampang ng kabilang Pasig,
Ang malawak na Bagumbayan
At mahanging baybay
Itinatanong: Bakit wala ako
Nang labanan ni Rajah Soliman sina De Goiti,
Ng mga Kapampangan ang mga Ingles,
Ng mga Tagalog ang mga piratang intsik,
Nang lusubin ng mga Katipunero
Ang tinggalan ng armas sa San Juan,
Nang hindi pinapasok ng mga Kano
mga rebolusyonaryo
Sa loob ng syudad ng pader.
Bakit wala ako sa panahong ng digma,
Kung saan ang mga sundalo ay nagdusa,
Pinalakad ng ilang daang kilometro
Sa tutok ng mga bayoneta,
Panahon ng mga gerilya ay buong tapang
Lumaban sa mga sakang at singkit na kaaway.?
Sa wari ko iniluwal ako sa maling panahon.
Ngayon ko lamang nalaman
Na mali pala ako.
Dahil ang aking panahon
ay naghihintay.
Ang pagkainip pala ay magbubunga,
Ang pangarap
magkakatototoo
Ako, Kayo, kami
Pala may gagampanang
Papel sa pagbabago.
Saturday, July 3, 2010 at 10:56pm
No comments:
Post a Comment