Tula
Undas, 2011
Mag-iipon ako ng bala at armas
Habang naghahasa ng itak
Ang mga magsasaka at itinataga
Ang kanilang mga gulok sa pagtatalas
Ng buhong tinutulisan
Upang panglitson ng mga baboy
Na sumisira sa kanilang pananim,
Magiipon ako ng bala at armas
Para sa darating na pagtutuos
Ipinagbawal ng mga Kastila
Ang anumang patalim at gulok
Dahil sa madalas na pag-aalsa
Laban sa kanila sa lahat ng dako,
Kahit na ginamit nila ang krus at espada
Maging ang pusil sa pagsupil
Sa mga erehe at ang lahing palaban,
Maging ang diktador ay naglabas
Ng batas laban sa pagdadala ng gulok
Maging sa bukid sa takot sa pag-aalsa,
Naghahasa pa rin ng gulok ang mga tao.
Maraming nagsasabi
sa kawalang pag-asa
dahil makabago na raw
ang panahon,
Na walang laban ang itak
o anumang sandata
Laban sa mga bomba ng NATO at Kano
Dahil may mga Jet at Drones
Sila at mga mata sa kalawakan,
Ngunit hindi sila makakakita
Sa dilim at sa dami ng taong
Nangangalit ang puso na
Handang lumaban sa kanila
Napatay man nila si Lumumba,
Sinunog man ng mga Kolonyalistang
Belhiko ang bangkay nito ,
Matapos tadtarin ng pino
Tulad ng mga matadero
sa pagawa ng kanilang pulutan
mula sa mga lamang loob
ng kanilang mga kinatay
sa Vitas, Tundo;
Patayin man ng mga rasistang Puti
Ng CIA at FBI- si Malcom X, Martin Luther King Jr,
at ibintang ito sa kapwa Itim,
Ng Elitistang si Aguinaldo
Si Supremo Andres Bonifacio, Heneral Antonio Luna
At sipain si Mabini sa kabinete nito;
Kinatay man ng alipures ng NATO si Kadaffi
Sa harap ng maraming tao
sa harap ng kamera,
Tulad ng pagbigti ng mga Italyanong Pasista
kay Omar Mukhtar ng Libya.
Maghari-harian man ang mga Imperyalista
sa kapalaluan ng Wall Street , ng mga banko
at korporasyong multi-nasyunal
Sa mundo kasama ang mga Papa sa Batikano,
Basbasan man nila ng insenso
katulad ng pagwiwisik nila
ng kanilang mga tamod
sa kanilang mga kerida sa kumbento,
sa mga napatay na pasistang sundalo
Sa Al Barka, Basilan
At suubin ito ng mababangong bulaklak,
Magpapatuloy ang paghahasa
Ng mga itak at pagtutulis ng mga palaso,
Magiipon pa rin ako ng bala,
At maghahanda ng armas
Para sa pagtutuos,
Gaano man ito katagal
At kahaba.
Dahil pagdating sa dulo,
Pag nalagot ang pisi,
Handang handa ako.
Oktubre 31, 2011