Mali ang pamagat ng drama sa TV
Ayon sa kanila: dangal o puri?
Mukhang sa totoo ito ay dangal o pera
Lalo na sa lupain ng dolyar at mira
Karaming prinsipyong ay sadyang winasak
Ng hangad sa pera, tao ay yumakap
Tiniis ang layunin umayaw sa hirap
Pinagpalit ang puri maging dangal na nilingap
Usong-uso lalo sa America
lahat nabibili ang batayan ay kwarta
Wala naming kasing lubos na lumigaya
Kung walang pera pambili, pampagana
Dahil ang berdeng dolyar pinapanginoon,
Pati magandang asal ay itinatapon,
Aanhin daw ang prinsiyo kung ikaw ay gutom
Ni walang pamasahe sa paglilimayon
Kayraming dati ay matino at makabayan
Ang nagbago dahil sa dolyar na nahawakan,
Pampalubog loob, panghugas ng kasalanan
Magpadala ng kwarta o kahong balikbayan
Kahabag-habag lalo na mga oldtimers
Sila daw ay hindi Pilipino dahil sila nay citizens
Itinatakwil ang Pilipinas kahit sa turing
Ingliserong inglesero kahit kahit pinoy ang accent
O kaya magrali sa isang oras sa breaktime
Aktbista ka nang matuturingan
Sa harap ng konsulada saka litrato’y kunan
Saka ipaskel sa arkibo ng bayan
O kaya’y gumawa ng event
Saka magimbita para sa fundraiser
Aktibismo nang magdiskusyon ng kung anuano
Sabay laklak ng alak o pagkaing umaatikabo
O kaya dumalaw minsan sa Pilipinas
Dumalo sa rali saka mamasyal
Maging sa Sagada, Baguio at Boracay
Pagbalik ng Amerika, eksperto ng tunay
Kaya malaking bagay nagagawa ng kwarta
Ayon kay Napoleon susi sa tagumpay
Kaibang-kaiba kay Mao Tsetung ng Asya
Na ang kwarta ay lilitaw kapag tayo’y may masa
Kaya mga tunay na aktibista sa Amerika
Magsikap, magpalawak sa pusod ng balyena
Huwag magpagisa sa sariling mantika
Ipaglaban ang tunay na diwang sosyalista
Tagumpay ng kilusan sa Pilipinas ay magdudulot
Pagkaputol ng galamay ng pugitang lumulukob
Habang pakikibaka sa imperyalista ay susugod
Hanggang ang sosyalismo matamasang lubos!
Monday, July 26, 2010 at 3:15pm
No comments:
Post a Comment