28.8.10

Ang Tunay na Simula

Ako ang simula ng pagbago,
Ito ang laging sinasabi
Ng mga TV at radio
Lagi na lang simula
Wala namang pagbabago,
Kasi laging ako ang simula
Kaya walang nababago.

Paano ako ang simula
Kung lukob naman ako ng hirap
Walang makain at walang ipakain
Gusto mang magtanim
Walang matamnan
Walang lupa dahil ang mga kandidato
Panay talak, panay lamang ang daldal

Ako ang simula lagi na lang ganyan
Kaya walang nasisimulan
Dahil sarili lagi ang sinisisi ng lipunan
Ayaw bigyang sala ang kalipunan
Para laging lusot ang may kasalanan

Mula pa sa sinauna ang gnayang katwiran
baguhin muna ang sarili bago ang lipunan
sisihin ang sarili dahil tayo ay may kasalanan
dahil sa kasalanan ni Eva at Adan

Kaya huwag paloko sa mga simula
Dahil walang katapusan ang ganyang sisihan
Ang kumikita ay ang mga bayaran
Kaya tunay na pagbabago,
ating ipaglaban:
Rebolusyon ng kailangan
para mabago ang bayan!

Monday, February 22, 2010 at 10:00am

No comments:

Post a Comment