28.8.10

Nang Tumubo ang Bayabas sa Amerikac

 Umaga ng mapansin kong nagbunga ang bayabas
sa aming likod bahay
hindi ko ito napansin at walang pumapansin
dahil mas nagbubunga ang tanim na saging
at kalamansi maging ang sampaguita
at kung tumubo man
laging bubot ang bayabas

Paano nga ba mamumunga
at mahihinog ang isang bagay
galing sa Pilipinas na isinalin
sa lupang batbat ng hamog ng taglamig
di tulad ng Sampaguita ?
Tulad din ng pakikibakang batbat at tigib
ng hapdi at pagpapakasakit,
di tulad ng Rosas na mamukadkad
sa kabila ng madalas
na pagpapalit-palit ng panahon.

At kahit na akala ng lahat
di na mamumunga ang bayabas
at mamumulaklak na lang ito
ang lupa ay sadyang mapagpala
at ang nag-aalaga ay matiyaga
at habang buo ang determinasyon at pag-asa
ang Bayabas ay mamumunga
kahit na ito ay nasa lupang dayo.

Monday, October 12, 2009 at 5:04pm

No comments:

Post a Comment