9.7.11

Bakit Kailangang Panoorin ng mga Pilipino sa Amerika ang “Amaya”


Lathalain

Bakit Kailangang Panoorin ng mga Pilipino sa Amerika ang “Amaya”

Hindi dahil sa nais kong ipahayag na maganda ang obrang “Amaya ng GMATV  dahil lubha na akong naiinis  sa mga pinaikot( recycled) na mga telenovela ng ABS-CBN o ng GMA 7. Kaya  “ Mula sa Puso” –ang nais kong sabihin.

Sa palagay ko makapangyarihan ang Amaya dahil naglalahad ito ng pakikibaka, buhay at sinaunang kultura at kasaysayan ng mga Pilipino. Partikular ng kultura at kasaysayan ng  mga kaugalian bago pa dumating ang mga mananakop na Kastila na nakikita parin natin hanggang ngayon sa ating komunidad sa Pilipinas maging sa Amerika.

Pinapatunayan nito ang mga sinulat ni Dr. Jose Rizal na may sariling kakanyahan at katangian ang mga sinaunang Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila.

Pinasisinungalingan nito ang mga pahayag ng mga mananalastas na Kastila maging ng ibang dayuhan na sumulat ng kasaysayan ng Pilipinas na walang kabihasnan ang mga Pilipino, mga ignorante at dumating sila para gawing sibilisado ang mga Pilipino.

Nakatutuwang sa kabila ng mga panggagagad ng mga ilang Pilipino sa dayuhan tulad ng mga telenovela kapwa sa ABS-CBN at sa GMA na nangogopya sa dayo tulad ng Captain Barbel, Immortal ( Gaya sa Twilight at True Blood), mga multo at kaluluwa tulad ng 100 Days atbp, dumating ang isang telenovelang istorikong nagpapahayag ng ating pagiging maka-Pilipino.

Personal sa akin, waring nagiging balik-aral ito sa mga aralin sa Social Studies noong elementary na nagbibigay aral sa sinaunang Pilipinas. Sa mga Prinsesa ng kumintang , mga duplo, Balagstasan at sa mga panahong ng mga Datu at Rakajn.

Ang yumaong Ishmael Bernal ay nagplanong gawaing pelikula ang buhay at pakikibaka ni Rajah Soliman ng Maynila at ang makasaysayng labanan sa bangkusay. Dnagan nga lamang at inabutan ito ng martial law ni Marcos noong 1972.

Noong mawala ang panahong gumagawa pa ang mga director natin ng mga pelikulang tulad ng Makario Sakay, Lapu-Lapu, Noli me Tangere at ang buhay ni Rizal at Andres Bonifacio at nangalwala na ang gma pelikulang ito. Isang  bugso ng sariwang hangin ang Amaya na nilikha ng GMATV.

Muling nanariwa sa akin ang dahilan kung bakit nagsasaboy tayo ng bigas kapag may kinakasal. Bakit nagbibigay ng dote kapag namamahinkan. At kung bakit ang mga ugaling ito ay nanatili kahot na makabago na ang panahon.

May mga pumipintas man o bumabatikos sa katotohanan at pagiging tumpak ng Amaya, hindi na dapat itong pansinin. Ito  ay dahil ano ba ang tumpak sa kalagayang halos nabura na at wala nang naitala ang ating kasaysayan dahil sa 300 taong pananakop ng mga Kastila at pangagantso ng Hollywood sa mga Pilipino. Mahusay ang panulat ni Bb. Doctolero.

Tatalakayin ko marahil sa mga susunod na talakayan. Kung dito ko ito tatalakayin hahaba an gating talakayan. Ayokong pagsawain kayo sa aking isinusulat.

Isa lang ang matingkad na bagay ang sumasagi sa aking isipan. Hindi kailaman maibabaon sa limo tang kasaysayan at ang magiting na kultura ng isang lahi, mailalarawan at mailalarawan ito kahit na sikaping patayin ng ibang kultura.

At mananaig ito tulad ng Amaya. Kaya dapat lamang panoorin ito ng bawat Pilipino sa Amerika man at sa Pilipinas. 
Tangikilin at mahalin ang sariling atin!

************