28.8.10

Panalangin Para Kay Cory


Ipanalangin natin si Tita Cory,
ang magaling na madyungera,
dahil pinagbigyan niya ang masang Pilipino
nang ibalik daw niya ang demokrasya,
nang magkaroon at ibalik ang Kongreso,
naging presidente si Tabako
kahit itinapon niya ang balbasaradong si Mitra,
Dapat nating ipanalangin ang Hacendera,
Kahit minasaker ang mga magsasaka sa MEndiola,
Minasker ang mga magsasaka ng Luisita,
Ang mga minorya ng Marag at Paco Valley,
Mga Isneg sa Dumalneg,
Hacienda San Antonio Sa Isabela,Lupao sa Nueva Ecija,
Ipanalangin natin dahil nakaligtas siya sa mga kudeta,
Dahil muntik namatay ang unico hijo niya,
Kahit magkabati na sila ni Gringo Honasan,
Kahit pinalakpakan siya ng ubos lakas ng kongreso ng America,
Kahit nangampampanya siya sa pagbabalik ng base ng kano;
Dahil siya ay ulirang ina ng bayan,
Kahit na hindi siya nagnakaw
pero ang kapatid niya ang nangurakot;
dahil sumikat ang anak niyang naging artista,
kahit hindi nya pinayagang ipalabas
ang Orapronobis ni Lino Brocka,
siya ay dakilang ina ng bayan at lumalaban kay Gloria,
Kahit na sinuportahan niya si Gloria noong EDSA Dos
At nakipagmabutihan siya kay Erap pagkatapos,
Ipanalangin natin siya
kahit ng dahil sa delicadeza
Pinilit niyang bayaran ang utang sa Amerika
kahit naghiirap ang masa,
Dahil siya ay ulirang ina ng bayan;
Bumaba siya matapos ang termino at nagpaalam,
Dapat siyang tularan ni GMA
na sakim sa kapangyarihan,
Kaaawan mo po mahal naming diyos si Cory
Kahit sinabi niya noong taggutom na kumain
Na lamang ng pandesal ang masa kung wala silang bigas,
kahit na bumaho ang mga taga Baguio ng lumindol
At nawalan ng kuryente ang bayan at nagdilim;
Dahil katwiran lamang iyon ng isang asedendera;
Kaawaan mo po at patawarin si Cory kahit marami
Siyang pinapatay ng hugutin niya ang espada matapos
Ang kunwaring ceasefire ng 1986-87
Dahil siya ay mabait na maybahay ni Ninoy- na laging
Binabangit na bayani ng masa
Ipanalangin natin si Cory dahil tayo ay mapagpatawad…
Ngunit ang bayan ay hindi lumilimot,
Ang mga nalilinlang ay yaong mga nasa simbahan
At mga mayayamang amiga niya sa madyong..
Patawarin sana siya ng bayang inapi
At ng tunay na diyos
Ngayong malapit na siyang mamatay,
Pagpalain nawa
ang kanyang kaluluwa,,,,

Sunday, August 2, 2009 at 7:16pm

No comments:

Post a Comment