paborito ng manggagawa
ang maso at sangakalan
dahil dito pinupukpok
ang nagbabagang bagay
nais na hubigin tungo
sa magagamit sa larangan,
maaring asarol, araro.
tabak o patalim
panlaban o paggawa
gamit na mainam
Ngunit paborito ng militar
ang maso at sangkalan,
upang durugin lagi na
itinuturing na kaaway,
ang maso ay mallit na pwersang
magtutulak sa kalaban,
ang sangkalan ang dudurog
sa nais lipuling
mabagsik na kaaway
Ngunit ang maso at karit
simbolo ng pagkakaisa
ng uring mangagawa.
at uring magsasaka
sa gitna ng bandilang pula,
sagisag ng lakas
at pagkakaisa
Ngunit sa kaaway maso'y pamukpok
sa matigas na ulo,
ang karet gigilit sa leeg
ng mayamang asendro
panakot sa masang
panglinlang dito
matagal na ginamit
propaganda ito.
Mahalaga ang simbolo
mainam na ipaliwanag
dahil ito palaging sa masa tatatak,
tulad ng kulay may nagiging sagisag,
simbolo"y kahulugan
makabuluhang pagsisikap
Saturday, August 7, 2010 at 8:19pm
No comments:
Post a Comment