Masinsin ang paghahanda ng Heneral,
Kahit sunud-sunod ang pagkatalo,
Nasisisiyahan dahil tumitigas ang mga kawal,
Bigo ngunit lalong tumatapang,
Handa sa mga susunod na labanan.
Maayos na ang depensa sa kabundukan,
Nailipat na ang arsenal,
Nakaposisyon ang mga pwersa ng bayan,
Nailipat at naitago niya ang kabang yaman,
Ng republikang naghihingalo
Ngunit sa tingin niya’y hahaba pa ang buhay;
Nang makatanggap siya ng telegramang
Ipinatatawag siya sa Cabanatuan.
Palibhasa disiplinado at hangad
Matapos ang gawain sa lalong
Medaling panahon,
Iniwan ang mga guardya at isinama
Lamang ang matapang na ayudante
Sa pagdating sa kumbento
Wala ang nagpatawag at dapat kausap,
Sa halip ang mga walag modong
Sundalong suberbiyo ang naratnan
At ng sitahin, punglo ang sumagot
Sa matapang na Heneral at ayudanteng
Bumagsak habang nagmumura,
“Mga traidor, cobarde…”
At di pa nasiyahan
Pinagtataga ang gulok
Ang mga nabuwal.
Matapos ay saka inilibing
Binigyan ng parangal.
Ang tanging sinabi ng nakasaksi
Na ina ng nagpatawag:
“Buhay pa ba yan?
Hanggang ngayon lantad na lihim
Na ang nagpapatay ay ang Presidente
Ng Republikang di nagtagal.
Ilang ulit na naulit ang pangyayari,
Ang mga pagpatay
At kawalan ng katarungan:
Kay Senador Aquino, Evelio Javier,
Cezar Climaco, Joe B. Lingad Sr,
At sa bagong panahon-
59 sa Maguindanao
At marami pang nawawala at pinatay.
Kay haba ng listahan
Nagsimula kay Supremo at Andres
At naulit sa Cabanatuan.
Noong tag-Araw ng 1899.
Saturday, July 3, 2010 at 7:43pm
No comments:
Post a Comment