28.8.10
Uncle Roy ( Royal Morales), Aming Patnubay
Noong ika’y sumakabilang buhay
Ang lahat ay nagpugay
Lahat ay pumuri sa iyon abot langit
Ipinangako nilang ipapangalan sa iyo
Ang bagong gusali ng SIPA
Ngunit nakalimutan nila ito
At binasagan itong Temple-Gateway,
Kung sabagay may pangako ba silang tinupad?
Lahat ng pangako nila ay napapako.
Napakaraming buhay ang iyong binago
Sa pagtuturo at pamamatnubay
Kung paano maging Pilipino sa Amerika
o maging Amerikano sa pagiging Pilipino
at ikaw ay nagtagumpay.
Dahil lagi kang magiging bukambibig sa kanila,
Laging nilang babangitin ang iyong pangalan,
Magsusulat hinggil sa iyo
Dahil ang kasaysayan mo
Ay kasaysayan nila
At ng komunidad
Dahil ikaw ay bahagi
Ng kasaysayan
At ito ang iyong iniwan
Lalagi kang buhay Uncle Roy
Sa nakaraan at bagong kilusan
Ng karapatang sibil
Na inyong nilahukan
Sa mga librong iyong isinulat
Katulad ni Ka Bel nag-aayos ka
Ng bubong ng iyong bahay
Ng ikaw ay pumanaw.
Nagtatrabaho hanngang sa huling hininga
Dahil inayos mo hindi lang iyong
Bahay kundi ang aming buhay
ang ating komunidad,
ang iyong komunidad,
ang iyong tunay na tahanan.
Tuesday, April 13, 2010 at 9:43am
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment