28.8.10

Aktibista sa Amerika (2)

Bato sa langit, tamaa'y magalit
ang tanong sa sagot ng akademia,
maraming klase ng aktibista dito sa Amerika
may tunay, may peke, may nagpapangap na aktibista.

...Tignan mo nang nagkakampanya si Barack Obama
siya daw aktbista sa NGO dito sa Amerika
laban daw siya sa masamang gyera
noong manalo na, pinalalang husto ang todo gyera

Andyan din ang mga sosyal na aktibista
inuman, pasosyalan doon sila aktibista
nag-uunahan sa pagsuporta
sa mga kandidato dito at sa bayang sinta

aktibista lang sila sa panahon ng eleksyon
o may isyung papapelan, bida sila doon
"empowerment ang nais ang kanilang layon
pagtapos ng labanan, tiklop na sila doon

andyan din ang mga aktibista kuno
pagbabago daw sa sistema ang hangarin nito
yung pala pera at kantayagan ang hanap nito
kapag sikat na, bahala na kayo.

May aktibista ding tingins a sarili sila ang pinakamagaling
ang lahat ay bobo, tagasunod lang sa bilin,
sentralismo kuno ang hirit ng magaling
kaya walang masang tagasunod ang sobra ang galing

Sila daw ang kinatawan ng bayang Pilipinas,
kaya sa Amerika sila ang pantas,
kung wala kang prankisa o awtoridad
ikaw ay "rejectionist" o taong labas

Kaya katoto ayan ang iba't ibang klase
ng aktibistang tinatanong mo
bahala kang mamili kung ano ang totoo
bahalang kumilatis ng kung ano
ang mali sa tama, ang lisya sa totoo.

Friday, July 30, 2010 at 9:41am

No comments:

Post a Comment