28.8.10

Nagsimula na ang Palabas

Nagsimula na ang eleksyon,
Ang dakilang palabas –na kunwa’y
Mamimili ang masa saa eleksyon
gayung tapos na ang bilangan

Naglabasan ang mga payaso
Walong diumano’y magigiting na may ibat’ibang
Pangalan at kulay,
at ang kulay nila ay iba’t iba

Andyan ang nakadilaw; dalawang asendero
Nangangako ng paglaban sa korupsyon
Gayong ang yaman at lupa na inangkin nila
Ay galling sa mga dalitang anak-pawis

Andyan din ang isa pang nakadilaw
Na ang pangalan ng panginoon ang ginagamit
At nanawagan ng pagkakaroon
ng langit sa lupa

Dalawang nakaberde naman ang tumakbo
Ang isa ay suportado ng Malacanang
Ang isa naman ay panggulo, dahil may pera
Kayang magabono dahil uring asendero

Dalawa rin ang nakaorange o kulay dalandan
Isa ang nagsikap daw at nagtiyaga
At pera niya ang ginagamit sa kampanya
Kaya handing gumastos ng bilyong ng todo pasa

Ang isa naman ay ginagaya daw siya na makamahirap
Gayung ang kinurakot ay abot sa langit at sagad
Wala pa ring hiya na kumandidato at ang kapal
Kapareho ng pangulong sa kanya ay nagpatawad

Ang isa pang kadidato ay nakapula,
Apo daw siya ng rebolusyonaryo gayong
Amerikano ang apelyido niya,
Boy mayor noon, presidente naman ang target niya

Sabi nila, boto mo ipatrol mo
Akala mo ba may laban ang text
Sa yaman at baril ng mga goons
At pandaraya sa computer?

Kung ang COMELEC mismo ang mandaraya
At hindi marunong bumilang?
Ewan ko kung ano sagot ko
Ang kalalabasan ng eleksyong ito

Hindi na ba tayo nagdala?
63 na taong nang nageeleksyon sa Pilipinas
di pa ring tayo nagbabago
panay na lang ang simula?

Ang hirap kasi binibilog na tayo
Ng mga hayop na pulitiko
Eto pa ang COMELEC, bilugan daw natin
Ang ating gusto!

Pagkatapos ng eleksyon
bilog na bilog na tayo,
At syempre bulag na bulag tayo sa pakakawalang pera
Ng mga hayop na pulitiko.

At nagbasbas pa ang tatlumpung pare
Parang mga hudas iskariote na nagbenta kay hesus
Sa halagang tatllumpung pirasong pilak

Kaya join na lang kayo sa palabas/eleksyon
Sabi ng abs-cbn, ikaw ang simula
Hayaang magsimula at lagi na lang simula
Ang tanong:
kailan ba magtatapos ang ating paghihirap?

Tuesday, February 9, 2010 at 1:44pm

No comments:

Post a Comment