Ka Liway
Ipinanganak ka sa dibdib ng Zinandungan
Kung saan naglalagos ang Ilog ng Kalinga
Patungo sa Lasam at Cagayan
Maliit ka pang bata,
ang armalite ang iyong laruan,
Sa kandungan ng mga mandirigma
Ikaw ay nagkamalay
naranasan at nakita ang kalupitan
Ng mga sundalong daig
Pa ang banyagang sumakop
Sa lambak ng mga Malaueg
Nakita mo ang pakakakaiba
Ng mga sundalo ng bayan laban
Sa mga sundalong bayaran
Matagal silang nagkampo
Doon hanggang umalis
Dahil sa nakitang walang patutunguhang
Magastos na paghihimpil
At walang patumanggang
Banat ng mga gerilya ng bayan
Nagdalaga ka sa gitna
Ng malilit at malalaking pagsasanay
Nadoon ka ng mabuo ang pandigmang platun
hanggang maging ganap na kompanya sa larangan
Hanggang sa dumating ang araw
Ikaw ay isa na sa mga nagsasanay
Mandirigmang Malaueg
Sa makabagong panahon ng digmaan
hindi nalamang taga-buhat ng suolay,
hindi na lamang tagapag-alaga ng sugatn,
hindi na lamang suportang pandigma
at milisya ng bayan
kundi ganap na mandirigma
ng bagong hukbo ng bayan.
...Napaganda mo
Lumaking isang mabuting
dalagang mandirigma
Isa tapat na sundalo ng bayan
Kaya’t napiling tagapagtanggol
Ng sentro ng larangan
At mula doon naideploy ka
Sa kalunsuran at doon sinanay
Partisano sa kalunsuran
Sa paghahanda sa digmaan sa lunsud
Ngunit kailangan ka ng mas maigting na larangan
Pinatunayan mo ang iyong sarili
Sa maraming labanan, hanggang maging
Lider ng platun ng Unang Batalyong panlaban
Hindi basta platun kundi ang platung panlusob
Assult platoon ng bayan;
Ikaw ang nanguna sa maraming labanan
Hanggang sa dumating ang di inaasahan
Ng 1993 nang pnagunahan mo
ang lusub sa kampo ng kaaway
Sa Buluan,
Kabi-kabila ang palitan ng bala
Nagsalimbayan ang mga putok
sumuporta maging ang kanyon at mortar
Ng kaaway sa kampong inyong binakbakan:
Walang tigil ang iyong pamumuno
Hanggang sa ikaw ay tamaan,
Ngunit walang tigil ang iyong
Komand na pagsigaw:
“Lusob, ubusin ang kaaway”
nagpalitan ang sabog ng granada
natin at ng kaaway,
parang mga dagang naglunnga
sa kampong inyong linusob;
Putok ng kanyon at masinggan
At nang tumahimik
Nawala ang iyong tinig
Ang mga kasama ay nagpasyang umatras
ikaw ay nawala.
Nang matagpuan nila ang iyong bangkay
Malayo sa lugar ng labanan,
Itinago mo ang iyong sugatang katawan
Hanggang tahimik kang namatay,
Ayaw mong makuha ng kaaway
ang iyong sandata,
Ayaw nilang babuyin nila
ang iyong katawang mortal,
Namatay kang magiting na lumalaban,
Dakila ka Ka Liway
Tunay na mandirigmang Malueg
Kapantay ni Lagutao
Ang magiting na rebeldeng Malaueg
Kinatakutan ng mga Kastila sa Cagayan
Bayani ka at dadakilain lagi
Ng nagpapasalamat na sambayanan
Dakila Ka. Ka Liway
Kung saan naglalagos ang Ilog ng Kalinga
Patungo sa Lasam at Cagayan
Maliit ka pang bata,
ang armalite ang iyong laruan,
Sa kandungan ng mga mandirigma
Ikaw ay nagkamalay
naranasan at nakita ang kalupitan
Ng mga sundalong daig
Pa ang banyagang sumakop
Sa lambak ng mga Malaueg
Nakita mo ang pakakakaiba
Ng mga sundalo ng bayan laban
Sa mga sundalong bayaran
Matagal silang nagkampo
Doon hanggang umalis
Dahil sa nakitang walang patutunguhang
Magastos na paghihimpil
At walang patumanggang
Banat ng mga gerilya ng bayan
Nagdalaga ka sa gitna
Ng malilit at malalaking pagsasanay
Nadoon ka ng mabuo ang pandigmang platun
hanggang maging ganap na kompanya sa larangan
Hanggang sa dumating ang araw
Ikaw ay isa na sa mga nagsasanay
Mandirigmang Malaueg
Sa makabagong panahon ng digmaan
hindi nalamang taga-buhat ng suolay,
hindi na lamang tagapag-alaga ng sugatn,
hindi na lamang suportang pandigma
at milisya ng bayan
kundi ganap na mandirigma
ng bagong hukbo ng bayan.
...Napaganda mo
Lumaking isang mabuting
dalagang mandirigma
Isa tapat na sundalo ng bayan
Kaya’t napiling tagapagtanggol
Ng sentro ng larangan
At mula doon naideploy ka
Sa kalunsuran at doon sinanay
Partisano sa kalunsuran
Sa paghahanda sa digmaan sa lunsud
Ngunit kailangan ka ng mas maigting na larangan
Pinatunayan mo ang iyong sarili
Sa maraming labanan, hanggang maging
Lider ng platun ng Unang Batalyong panlaban
Hindi basta platun kundi ang platung panlusob
Assult platoon ng bayan;
Ikaw ang nanguna sa maraming labanan
Hanggang sa dumating ang di inaasahan
Ng 1993 nang pnagunahan mo
ang lusub sa kampo ng kaaway
Sa Buluan,
Kabi-kabila ang palitan ng bala
Nagsalimbayan ang mga putok
sumuporta maging ang kanyon at mortar
Ng kaaway sa kampong inyong binakbakan:
Walang tigil ang iyong pamumuno
Hanggang sa ikaw ay tamaan,
Ngunit walang tigil ang iyong
Komand na pagsigaw:
“Lusob, ubusin ang kaaway”
nagpalitan ang sabog ng granada
natin at ng kaaway,
parang mga dagang naglunnga
sa kampong inyong linusob;
Putok ng kanyon at masinggan
At nang tumahimik
Nawala ang iyong tinig
Ang mga kasama ay nagpasyang umatras
ikaw ay nawala.
Nang matagpuan nila ang iyong bangkay
Malayo sa lugar ng labanan,
Itinago mo ang iyong sugatang katawan
Hanggang tahimik kang namatay,
Ayaw mong makuha ng kaaway
ang iyong sandata,
Ayaw nilang babuyin nila
ang iyong katawang mortal,
Namatay kang magiting na lumalaban,
Dakila ka Ka Liway
Tunay na mandirigmang Malueg
Kapantay ni Lagutao
Ang magiting na rebeldeng Malaueg
Kinatakutan ng mga Kastila sa Cagayan
Bayani ka at dadakilain lagi
Ng nagpapasalamat na sambayanan
Dakila Ka. Ka Liway
Tuesday, August 10, 2010 at 3:15pm
No comments:
Post a Comment