28.8.10

Guardya De Honor // Inagurasyon 3

Masamang tradisyon
Na ang unang guardya ng pangulo ng Republika
Ay ang batalyon ng Kawit.
Matapat nga kay Aguinaldo
Mga duwag naman sa labanan
Unang tumalilis sa harap ng mananalakay na Kano.
Ayaw magsuot ng uniporme,
At tanging katapatan sa amo
Ang natatanging nilang sandata.
Mga traydor na mamaslang,
Binaril at tinaga sina Luna at Roman
Sa Cabanatuan, kaya siguro
Iniwanan ni Aguinaldo
At ang itinira hanggang sa Tierra Virgen
ay ang batalyon ng Bulacan
Ni Heneral Goyo at kapatid
Na mas tapat at matapang.
Tinawid ang Pangasinan, Ilocos ,
Cordillera, Cagayan
humatong sa Palanan
At doon nasakote ang manangarap
Na mabunying heneral ni Quijano De Manila.
Pumalit ang mga kawal ni Quezon,
Nang mabu0 ang komonwealth
hindi madala sa pagtakas sa Amerika,
Naiwanan na mga gerilya.
Pumalit naman ang mga guardya ni Makoy,
Ninanakaw ang mga panti ni Imelda
Para isuot at amuyin,
Ngunit tapat sa among kalbo
Kaya sinama ni Marcos sa kanyang distyero
Sa Hawaii hindi sa Paoay.
Kaya muling binuo ang PSG
Para bantayan ang babaeng pangulo,
Ngunit napasukan pa rin ng mga taksil
Na rebeldeng militar
At nang pumalit ang ikalawang babae
Sa Malacanang,
Pinatibay ang mga tapat na kawal
Na nandaya sa eleksyon,
Pumatay ng mga aktibista,
Naniktik at dumukot
Ng marami na di nakita pa.
umastang Emperador,
Kaya sa bagong administrasyon,
nakakahanga na pagmasdan
Ang mga guardya de honor,
nakaasul o berde at rayadillong
Uniporme ng nausyaming republika
kaiingat ka at di mo alam,
Ang iyong bantay ang papatay sa iyo,
Kung di magiingat,
alalahanin lagi ang aral
Roma – guardyang pretorian
Ng Sikh ni Indira ng India,

Guardya de honor
Kawal ng republika--
bantayan!

Wednesday, June 30, 2010 at 5:52pm

No comments:

Post a Comment