28.8.10

Pananalanta (2)

Pananalanta

Kalikasan ang likas na mananalanta
Winawasak ang kapaligiran
Sa hambalos ng malakas na hangin,
Rumaragasang tubig nagdadala
Ng mga malalaking puno at bato
Lahat ng bagay mula sa mapangwasak
daluyong ng likas na yamang
Winasak ng mga tao

Ngunit mas mapangwasak
taong inuutusan ng
Naghaharing uri at
Mananakop na dayuhan
manalanta
Nanununog ng mga bagay at ari-arian
Maging tao ay sinusunog ng buhay,
Binubuwag ang mga templong itinayo
Ng libong buhay,
Upang magbigay daw
ng bagong sibilisisayon
Sa iba’t ibang uri ng panggalan:
Bagong Lipunan,Malakas na Republika,
Philippines 2000,
Demokraya, Kalayaan,
Asembleya, Komonwealth,
Republika,
Ngayon ay Bagong Simula:

Wala na ang mga baryo
Dating lakas ng masa,
pinanundar sa matagal na panahon,
hinawan mula sa makapal na gubat,
pinuhunan ang dugo at pawis
para maglahong bula
sa ilang saglit, sa ulan ng mga bomba
bala ng kanyon o sulo ng kawal,

Tuyo na ang mga bukal,
Batis at lumawak na ang mga ilog,
Tuyo ang pampang sa tag-init
Tigang ang lupa sa tag-araw
At rumaragsang putik o baha
Sa tag-ulan.
patay na ang mga ilog,
wala nang mga isdang
madaling hulihin
at naging burak na
mga piskaria sa baryo

Wala na ang mga kabataan sa baryo,
Nagabroad para magpaalila
sa Middle Easdt, America o Europa;
O kaya nasa mga bayan
Para humarap sa mga camera
Para pagyestahan ng mga
Gahaman sa lamang dayuhang
Naghahanap ng mail-order bride
o sa Maynila naging bellas
o alila sa mga kamag-anak
o mayayaman sa Dasma

Nabura na ang mga baryo dahil
Sa utos na wasakin ang rebelyon
Bago matapos ang 2010,
wasak na ang mga mosque
at bayan ng mga Moro at Lumad
habang tahimik ang mga plantasyon
naliligo sa kemikal
mga magsasakang-bukid
pati pamilya sa galis at sakit sa baga


Ito nga simula.
Sabi ng mga nasa media;

Ito na ang simula.


Sunday, June 20, 2010 at 3:22pm

No comments:

Post a Comment