23.3.12

Bagbag

Tula
Marso 16, 2012

Bagbag

Kapag namulaklak ang puno ng  Bagbag
Kailangang maghanap ng puputuling ulo
Ang mga mandirigmang Ilongot para ialay sa liyag.

Kapag namulaklak ang Bagbag,
Papasok na ang tagsibol sa Amerika,
Senyas sa pagpasok ng tag-araw.

Tulad ng sa Pinas, pulang pula ang bulaklak
ng Bagbag habang kayumanggi ang dahong
dating lagas na mabilis na nagsisitubo.

Labinlimang tag-lagas ng Bagbag
Sa Amerika, lalong nagmumukhang Maynila
ang LA sa dami ng lubak sa kalsada

Dumarami ang nagtitinda ng sa malamig
Sa mga kanto at nagluluto ng tostada
Pagdating ng napakalamig ng gabi.

Paparami ang mga pulubi
Na natutulog sa kalsada
Hindi na sila sinisita ng mga pulis

Puno ang mga pagtitipon
Habang bumibigkas ng “spoken word”
Ang mga Ingles na makata

Putok ang mga nite club
habang lasing na nagsasayawan
ang mga kabataan at may perang parukyano.

Dumarami ang nagsasayaw sa FACLA
Habang masaya akong nagmamasid
Sa mga walang sawang mananayaw.

Masarap uminom ng black label
o corona sa pagitan ng mga pulutan
habang nagbibidahan ang mga binata.

Matapos ang panonood
At ilang oras  sa  facebook,
Muli babagtasin ang kalsadang mag-isa.

Muling pagmamasdan ang Bagbag,
Nagkakadahon at mamumulaklak
Sa ikalabinglimang taon ng distiyero sa Amerika.

Al P. Garcia

DC, Bagong Ro

Tula
Marso 18, 2012

DC, Bagong Roma

Nilikha ang bagong Roma,
Bayang nililok mula sa putikan,
Sa gitna ng mga ilog at lawang
Tinayuan ng mga batong gusali
Upang pahangain ang mga hari,
Reyna ,Presidente at ulo ng mga bansa

Nakakalat ang mga monumento
Sa iyong pithaya
simbolo daw ng mga tagumpay,
Bagamat walang mga alipin at
Kayamanang ipagpaparangalan
Sa mga parada, ang iyong lakas
isinisigaw sa lahat.

Habang ang mga parada
Ng tagumpay ssa digmaan
para sa New York,
Ang panunumpa ng presidente
para sa iyo,
Ang seremonya ay mula sa Kongreso
Tungo sa Bahay na Puti
Pabalik sa iyo.

Tulad ng mga nagwaging senturyon
sa mga digmaan sa kanilang karwahe,
dala ang mga dambong ng digma
at mga aliping huli,
paparada ang mga hukbong
nagwasak at sumakop sa mundo.

Dito ang mga ulo ng  bansa
Ay kailangang magbigay pugay
Sa Puting Bahay na Bato
Hindi na Senadong walang babae
Kundi ang kanilang mga asawa at kabit

Dito ang gabi ay tulad din sa lahat,
Kung saan puno ang mga niteclub
At lihim na putahan at lalakihan,
Nabababaha ang alak at pulutan
At nagpapalitan ang katas
Ng mga nambabae at nanlalaki

Tulad ng dati
pilit itinatago ang panlulumo
sa tagay ng alak at pagkawala ng libido,
sa sayawan at walang kwentang usapang
hahatong sa kama at tagisan ng mga katawan
at makamundong pagnanasa.

Habang ang mga bantayog
ay naliliwanagan ng mga lente,
ang kukutikutip na mga casa
ay umiindayog sa mga katawan
mistulang sutla na nagsasayaw
sa hangin, sa alak at tugtog.

Ano ba ang bago sa Washington DC?
Wala, kundi ang lumang kapalaluhan,
Ang yabang ng kapangyarihan
At lakas ng banta ng digma?

Nag-iba lang marahil ang DC
Sa isang pag-ibig sa gitna ng protesta,
Kahit kailan ang pag-ibig na ito
Ay dalisay at totoo.

Itong lang ang too sa gitna ng dalisay
At maraming puting crysantemum
Na nagbubunga sa tagsibol
Ng bawat panahon.

Al P. Garcia

Under the Tree at 1st and Independence

Poem
March 20, 2012

Under the Tree at 1st and Independence

Its fine to  rest on the bench
Under the tree at 1st and Independence
Gazing at the Capitol Dome
Right after beating the halls
Of US Congress in a lobby
in a March afternoon.

To breathe the fresh air of early spring
After the suffocating air
From the classical buildings
And the balmy offices of Congress,
Its fine.

It’s nice to watch the crowd
Pass by in different get ups
Like zombies of the walking dead,
Unmindful of the thoughts of people
not wanting to eat flesh
but read minds.

The sense of urgency,
The heat up passions,
The anger still there,
Like the smoking barrel of the gun.
Still hot from gasses and powder,
Ready to explode in the sun.

Al P. Garcja

11.3.12

Tadek


Poem

Tadek

Al P. Garcia

I missed the beatings
Of the wooden drums,
The stumping of
pairs of feets
Upon the trodden bamboos,
The swaying hips that grinds,
The brown stalks into submission
Until it becomes dark white
From the mortar,
As brown bodies
Filled with sweats,
Intermingled with tears,
Body juices erupts
into consuming estacy,
while we dance
deep into the moonless
night.

March 09, 2012

Full Moon


Poem 3

Full Moon

When was the last time
You embraced the earth?
And shrouded it with
Your loving arms,
Spread your brawny
Brown legs
wide overshadowing
the angry sun
on solar explosions,
as bright as your wide grin
and beautiful dimples,
blankets as it
intoxicates and caress
the  countours
of your magic mountains…
like the sleepy
beauty…
since when?

March 10, 2012