28.8.10

Daluyong

Let the spring flow to the creeks, river, seas and oceans,
ripples that becomes waves and tsunamis that sweeps the shores,
let the ripples and the flows turn into giant waves
that will shatter the old order thus--
...let real changes come!

  Monday, July 27, 2009 at 11:38am

Panalangin Para Kay Cory


Ipanalangin natin si Tita Cory,
ang magaling na madyungera,
dahil pinagbigyan niya ang masang Pilipino
nang ibalik daw niya ang demokrasya,
nang magkaroon at ibalik ang Kongreso,
naging presidente si Tabako
kahit itinapon niya ang balbasaradong si Mitra,
Dapat nating ipanalangin ang Hacendera,
Kahit minasaker ang mga magsasaka sa MEndiola,
Minasker ang mga magsasaka ng Luisita,
Ang mga minorya ng Marag at Paco Valley,
Mga Isneg sa Dumalneg,
Hacienda San Antonio Sa Isabela,Lupao sa Nueva Ecija,
Ipanalangin natin dahil nakaligtas siya sa mga kudeta,
Dahil muntik namatay ang unico hijo niya,
Kahit magkabati na sila ni Gringo Honasan,
Kahit pinalakpakan siya ng ubos lakas ng kongreso ng America,
Kahit nangampampanya siya sa pagbabalik ng base ng kano;
Dahil siya ay ulirang ina ng bayan,
Kahit na hindi siya nagnakaw
pero ang kapatid niya ang nangurakot;
dahil sumikat ang anak niyang naging artista,
kahit hindi nya pinayagang ipalabas
ang Orapronobis ni Lino Brocka,
siya ay dakilang ina ng bayan at lumalaban kay Gloria,
Kahit na sinuportahan niya si Gloria noong EDSA Dos
At nakipagmabutihan siya kay Erap pagkatapos,
Ipanalangin natin siya
kahit ng dahil sa delicadeza
Pinilit niyang bayaran ang utang sa Amerika
kahit naghiirap ang masa,
Dahil siya ay ulirang ina ng bayan;
Bumaba siya matapos ang termino at nagpaalam,
Dapat siyang tularan ni GMA
na sakim sa kapangyarihan,
Kaaawan mo po mahal naming diyos si Cory
Kahit sinabi niya noong taggutom na kumain
Na lamang ng pandesal ang masa kung wala silang bigas,
kahit na bumaho ang mga taga Baguio ng lumindol
At nawalan ng kuryente ang bayan at nagdilim;
Dahil katwiran lamang iyon ng isang asedendera;
Kaawaan mo po at patawarin si Cory kahit marami
Siyang pinapatay ng hugutin niya ang espada matapos
Ang kunwaring ceasefire ng 1986-87
Dahil siya ay mabait na maybahay ni Ninoy- na laging
Binabangit na bayani ng masa
Ipanalangin natin si Cory dahil tayo ay mapagpatawad…
Ngunit ang bayan ay hindi lumilimot,
Ang mga nalilinlang ay yaong mga nasa simbahan
At mga mayayamang amiga niya sa madyong..
Patawarin sana siya ng bayang inapi
At ng tunay na diyos
Ngayong malapit na siyang mamatay,
Pagpalain nawa
ang kanyang kaluluwa,,,,

Sunday, August 2, 2009 at 7:16pm

The Long Night

That was the longest night,
when all the radio stations stopped all broadcasts,
when the only thing you heard were songs,
and an announcement that
there will be an important broadcast for the nation to hear..
even the tv stations went silent,
and the newspapers were not out on the streets,
and then the deafening silence,
and the constant patrols of army jeeps,
and patrols cars,
visiting homes of activists.
We were used to " forced invitations"
meaning jails in army camps
or intelligence offices
but no invitations came
but arresting teams all over the place...
there were hush conversations on the phone..
coded words were exhanged
that this person and that person
was arrested,
this office was raided,
and even the congress was closed,
comrade this and that'vanished into the countrysides..
there were no words of farewell,
but only forced separations,
no goodbyes nor last kiss or hugs
to our love ones...
all were rumors and hush words,
it's up for you you to believe
or doubt the words..
and then the familiar figure appeared,
so confident and arrogant:
" placing the whole country under martial law"
that was it!
we were arguing about it and it came..
all were surprised although we are expecting it..
the time to clean our guns,
count our bullets,
hide our photographs,
burn our d0cuments
pick our places,
our hideaways,
people we can trust
and go deep among the masses..
the time of reckoning has come..
and the fight for freedom was on...
the longest night in my life,
September 23, 1972.
the night of the declaration of martial law!

Monday, September 21, 2009 at 9:02pm

Nang Tumubo ang Bayabas sa Amerikac

 Umaga ng mapansin kong nagbunga ang bayabas
sa aming likod bahay
hindi ko ito napansin at walang pumapansin
dahil mas nagbubunga ang tanim na saging
at kalamansi maging ang sampaguita
at kung tumubo man
laging bubot ang bayabas

Paano nga ba mamumunga
at mahihinog ang isang bagay
galing sa Pilipinas na isinalin
sa lupang batbat ng hamog ng taglamig
di tulad ng Sampaguita ?
Tulad din ng pakikibakang batbat at tigib
ng hapdi at pagpapakasakit,
di tulad ng Rosas na mamukadkad
sa kabila ng madalas
na pagpapalit-palit ng panahon.

At kahit na akala ng lahat
di na mamumunga ang bayabas
at mamumulaklak na lang ito
ang lupa ay sadyang mapagpala
at ang nag-aalaga ay matiyaga
at habang buo ang determinasyon at pag-asa
ang Bayabas ay mamumunga
kahit na ito ay nasa lupang dayo.

Monday, October 12, 2009 at 5:04pm

THE SHAMELESS "WARLORD

The main suspect
in the gruesome massacre
Is a shy guy coward,
He covered his face
With a sarong and
eyes with dark glasses,
Afraid to show the fear,
And the shame is his eyes,
Brutal in raping women
And killing the defendless,
And only brave
around his armed minions,

Alas, when he came out,
To the city not his turf,
Escorted and protected
in his black leather jacket
And warriors bodong headgear,
To show-off his false bravery,
He points out to the real warriors
As killers and perpetrators of his crimes,

Not a man enough to own up for his vile deeds,
Not a man enough to answer for his crimes,
utterly shameless
A pretentious warrior,
Well he is an AMPATUAN!

The shame of the real Maguindanaoans!

 Saturday, November 28, 2009 at 10:46am

Mula Kay Tanya

salamat sa mga oda
sa halimuyak ng bungkos ng mga salita
salamat sa pumpon ng mga bulaklak
ng pangungulila at pakikiisa
ng mga fudge tajar at kislap alitaptap
ng mga kapusod sa hilahil at dusa ng masa
ng mga kadugo sa pakikibaka.

salamat mga kasama
huwag ikalungkot ang aking paglisan
hindi ako nawawala
madarama ninyo ang labi ko
sa halik ng hangin sa inyong mukha
maririnig ninyo ang tinig ko
sa dagundong ng mga protesta
sa mga lansangan at eskinita
laban sa inuuod na sistema.

hindi ako nawawala mga kasama
huwag itangis ang pagkakalayo
sa batis ng mapagpalayang mga layunin
mukha ko’y masasalamin
sa bawat pintig ng puso ng mga inalila
sa bukid man sa kanayunan
o pabrika sa kalunsuran
pag-ibig ko’y madarama
sa kalyo sa palad ng manggagawa
ako’y masasalat
sa anghit sa kilikili ng magsasaka
ako’y malalanghap.

lagi’t lagi akong naririyan
sa dibdib ng mga kapanalig sa pakikibaka
kasama akong umiindak
ng mga talahib na namumulaklak
kasama ako ng mga hamog sa damuhan
kasama ako ng bawat uhay ng palay
kasama ako ng langay-langayan
kasama ako sa paglalamay
ng nagkakaisang hanay
kahit alitaptap ang tanging ilaw
sa pusikit na karimlan.

magkasama pa rin tayo mga kasama
alalahaning di nasasayang ang anumang buhay
sa masang sambayana’y inialay
huwag bayaang tupukin ng kidlat
ang ating pagmamahal
sa bayang dibdib nati’t tiyan
angkinin man ng lupa ang ating laman
dugo tayong di titigil sa pananalaytay
sa bawat ugat ng paghihimagsik
sa inhustisya’t kabusabusan
diwa tayong patuloy na maglalakbay
para mapairal ang hustisya sosyal
diwa tayong patuloy na kakampay
upang bansa’y magbanyuhay.

salamat sa mga oda mga kasama
salamat sa mahalimuyak na pag-alaala
salamat sa kamanyang ng pagpapahalaga
magkalayo man ang ating mga katawan
magkakaugnay pa rin ang ating mga ugat
magkadugo’t nagkakaisang-diwa
sa paglalagablab ng apoy ng paglaya!

~ January 25,2010
ni Ka. Roger Ordonez

posted Friday, February 5, 2010 at 12:45pm

Nagsimula na ang Palabas

Nagsimula na ang eleksyon,
Ang dakilang palabas –na kunwa’y
Mamimili ang masa saa eleksyon
gayung tapos na ang bilangan

Naglabasan ang mga payaso
Walong diumano’y magigiting na may ibat’ibang
Pangalan at kulay,
at ang kulay nila ay iba’t iba

Andyan ang nakadilaw; dalawang asendero
Nangangako ng paglaban sa korupsyon
Gayong ang yaman at lupa na inangkin nila
Ay galling sa mga dalitang anak-pawis

Andyan din ang isa pang nakadilaw
Na ang pangalan ng panginoon ang ginagamit
At nanawagan ng pagkakaroon
ng langit sa lupa

Dalawang nakaberde naman ang tumakbo
Ang isa ay suportado ng Malacanang
Ang isa naman ay panggulo, dahil may pera
Kayang magabono dahil uring asendero

Dalawa rin ang nakaorange o kulay dalandan
Isa ang nagsikap daw at nagtiyaga
At pera niya ang ginagamit sa kampanya
Kaya handing gumastos ng bilyong ng todo pasa

Ang isa naman ay ginagaya daw siya na makamahirap
Gayung ang kinurakot ay abot sa langit at sagad
Wala pa ring hiya na kumandidato at ang kapal
Kapareho ng pangulong sa kanya ay nagpatawad

Ang isa pang kadidato ay nakapula,
Apo daw siya ng rebolusyonaryo gayong
Amerikano ang apelyido niya,
Boy mayor noon, presidente naman ang target niya

Sabi nila, boto mo ipatrol mo
Akala mo ba may laban ang text
Sa yaman at baril ng mga goons
At pandaraya sa computer?

Kung ang COMELEC mismo ang mandaraya
At hindi marunong bumilang?
Ewan ko kung ano sagot ko
Ang kalalabasan ng eleksyong ito

Hindi na ba tayo nagdala?
63 na taong nang nageeleksyon sa Pilipinas
di pa ring tayo nagbabago
panay na lang ang simula?

Ang hirap kasi binibilog na tayo
Ng mga hayop na pulitiko
Eto pa ang COMELEC, bilugan daw natin
Ang ating gusto!

Pagkatapos ng eleksyon
bilog na bilog na tayo,
At syempre bulag na bulag tayo sa pakakawalang pera
Ng mga hayop na pulitiko.

At nagbasbas pa ang tatlumpung pare
Parang mga hudas iskariote na nagbenta kay hesus
Sa halagang tatllumpung pirasong pilak

Kaya join na lang kayo sa palabas/eleksyon
Sabi ng abs-cbn, ikaw ang simula
Hayaang magsimula at lagi na lang simula
Ang tanong:
kailan ba magtatapos ang ating paghihirap?

Tuesday, February 9, 2010 at 1:44pm

Ang Tunay na Simula

Ako ang simula ng pagbago,
Ito ang laging sinasabi
Ng mga TV at radio
Lagi na lang simula
Wala namang pagbabago,
Kasi laging ako ang simula
Kaya walang nababago.

Paano ako ang simula
Kung lukob naman ako ng hirap
Walang makain at walang ipakain
Gusto mang magtanim
Walang matamnan
Walang lupa dahil ang mga kandidato
Panay talak, panay lamang ang daldal

Ako ang simula lagi na lang ganyan
Kaya walang nasisimulan
Dahil sarili lagi ang sinisisi ng lipunan
Ayaw bigyang sala ang kalipunan
Para laging lusot ang may kasalanan

Mula pa sa sinauna ang gnayang katwiran
baguhin muna ang sarili bago ang lipunan
sisihin ang sarili dahil tayo ay may kasalanan
dahil sa kasalanan ni Eva at Adan

Kaya huwag paloko sa mga simula
Dahil walang katapusan ang ganyang sisihan
Ang kumikita ay ang mga bayaran
Kaya tunay na pagbabago,
ating ipaglaban:
Rebolusyon ng kailangan
para mabago ang bayan!

Monday, February 22, 2010 at 10:00am

Para sa Anibersaryo ng Unang Pag-aalsa sa EDSA, Feb 22-25, 1986

sa bayan ni juan
mortal na kasalanan
ang maging makabayan
baka pulutin ka sa kangkungan
o saanmang basurahan
lasug-lasog ang katawan
utak at mukha’y pinagpipistahan
ng mga langaw at langgam
baka di ka na rin makita kailanman
kapag isinilid sa dram
sementuhan at ipalamon
sa pusod ng karagatan.

sa bayan ni juan… pakatandaan
huwag kang magsasabi ng katotohanan
basta paniwalaang umuunlad ang kabuhayan
kahit lugaw at asin ang nagliliwaliw
sa bituka ng maraming mamamayan
dumarami man ang nagkakalkal ng basura
para magkalaman ang tiyan
milyun-milyon man ang damit ay basahan
bata-batalyon man ang palaboy sa lansangan
mga parke’t damuhan man ang himlayan
o nagtitiis paalipin sa banyagang bayan
basta isiping mahalimuyak ang buhay
sa bawat pagsikat ng araw sa bayan ni juan
ugaliing itaas ang mga kamay
maghosana sa kaitaasan
maghaleluya sa mga diyus-diyosan
laging may glorya daw sa bayan ni juan.

sa bayan ni juan
huwag mong isasaysay sa sambayanan
ang hokus pokus at kahiwagaan
ng kung anu-anong pandarambong
sa pondo ng bayan
huwag palalabasin sa lalamunan
ang inhustisya’t kasuwapangan
ng iilang hari-harian sa lipunan
baka dila mo’y hiwain
mga ngipi’y lagariin
pati mata ay dukitin
iturnilyo mga labi’t pasabugin.
.
sa bayan ni juan
huwag na huwag makipagkaisa
sa mapagpalayang adhikain
ng manggagawa’t magsasaka
huwag makipagtaling-pusod sa masa
sa uring alipin at ibinartolina
ng balintunang sistema
huwag kang sasama
sa kanilang sagad-langit na protesta
laban sa uring mapagsamantala
babansagan kang subersibo’t terorista
banta sa seguridad ng republika.

sa bayan ni juan
malupit ang mga senturyon ng unano
kaya huwag matigas ang ulo
kapag dinampot ka’t pinalad na ikalaboso
at hindi naging desaparecido
bababuyin ka ng mga utak-kurtado
paaaminin kang rebelde laban sa estado
ingungudngod ang mukha mo
sa mataeng inodoro
hubo’t hubad kang pahihigain
sa bloke ng yelo
pipiliting kang uminom nang uminom
ng tubig na naninilaw sa mikrobyo
hanggang pumintog nang pumintog
ang tiyan mo
saka biglang tatadyakan ng demonyo
di ka titigilan kapag di umaamin
sa nilubid na mga kasalanan
bayag mo’y kukuryentihin
isasaksak sa titi mo
ang bagong sinding palito ng posporo
o bibigtihin ng kuwerdas ng gitara
ang lupaypay na ulo nito

o diyos ni abraham
malilibog ang senturyon ng unano
kung babae kang isinalampak sa kalaboso
lalaruin ang suso’t kiki mo
saka kakabayuhin ka nang husto
matapos laspagin ang puri mo
at hingal-aso ang berdugo
iiwan pang nakapasak sa ari mo
ang anumang boteng nakatuwaan nito.

talagang ganyan sa bayan ni juan
dinuduhagi’t sinisikil ang mga makabayan
ipinagkakait ang demokratikong proseso
mapapalad lamang ang basalyos ng unano
at kauri nilang salabusab at tuso
mga payaso’t sirkero
mga batikang salamangkero
nilalaklak nila ang dugo ng bayan
nilalamon ang laman ng mamamayan
sa paulit-ulit na pagtatanghal
sa karnabal ng kasinungalingan
isasakay sa ruweda ng panlilinlang
ang hinihilong masang sambayanan
iduruyan sa ilusyon ng huwad na kaunlaran
at doble-karang katarungan
talagang ganyan sa bayan ni juan
ang taksil sa pambansang kapakanan
at interes ng kumain-diling mamamayan
silang mga tulisan sa kalunsuran
silang nagpipista sa mesa ng kawalang-hiyaan
ang may lakas ng loob pang mangalandakan
na sila’y lantay na makabayan.

sa bayan ni juan… talagang ganyan
mortal na kasalanan ng masang sambayanan
ang maging makabayan
at maghayag ng sagradong katotohanan
pero di habang panahong laging ganyan
sa bayan ni juan
naglalagablab na ang liwanag sa silangan
bumabangon na sa dilim ng nagdaang gabi
ang mga alipin
upang sa wakas mga sarili’y palayain

 ~ Sa Bayan Ni Juan  .. February 12, 2010 posted: Tuesday, February 23, 2010 at 6:58am

Kontra-Agos

Bakit kaya
Kung sino pa ang may pinakamalaking sakripisyo
Ay siya pang inuupasala
At tinatapunan ng mga pag-alipusta?
Bakit kaya kung sino pa ang nagtaguyod
Sa tamang linya
Ay siyang sinasabing mali at kontra-rebolusyon?
Bakit kaya kung sino ang tumatawag sa sariling
Rebolusyonaryo at abanteng destakamento
Ay siya pang nag-uulit ng mga kamalian
At labis labis ang pagpuri sa sarili at mga nagawa
Ayaw magpuna at mapuna?

Akala ko ba ang higanteng puno
Ay di maitutumba ng mga dwende,
Pero sabi nga ni Mao, ang higanteng puno
Ay di matutumba ang malakas na hangin mula itaas
Kundi ng mahinay at papalakas na hangin
Mula sa ibaba.

Ewan ko ba, batas ata ng kasaysayan
Na ang mga nagtaguyod ng tama
Ay dadaaan sa hirap at butas ng karayom
Lalo na kung ang mga nakakaalam
Ay nagbubulag-bulagan at nagbibingibingihan
Sa protest at panaghoy ng masang kasapian
Habang ang mga nagnanais lamang
Ng karangyaan at magandang buhay
Ay naglilimayon dala ang pangalan
Ng kilusan.

Ilang panahon pa kaya ang masasayang,
Ilang sakripisyo pa ang kailangang gawain,
Ilang ilog pa kaya ng dugo ag ibubuhos
Para maituwid ang kamalian at makita ang tama?

Sabagay ang maitim na ulap ay tumatakip
Sa buwan at araw kapag ginusto nito.
At kayang takpan ng buwan ang magiting na araw
Kahit pansamantala
Pero ano ang magagawa natin
kundi ang tumindig sa tama
At ipaglaban ang katotohanan
Kung hindi anong kwenta ng buhay
Na di inialay sa sambayanan?

Mahirap sumalunga sa unos
Ngunit kay sarap ng pakiramdam
Kapag narating ang kabilang pampang
Na nais tawiran
Sa kabila ng rumaragasang agos.

Salamat at maraming salamat
Sa masang nagtitiwala
At mga kasamang hindi man magsalita
Ay nanatiling naniniwala.
Ang inyong suporta at tiwala
Ay apoy na nagpaparikit sa aming
Nagaapoy na puso

Talagang mahirap
Ang magrebolusyon
Lalo na manindigan
Para dito.

 Thursday, March 4, 2010 at 2:16pm

Go Against the Tide.

Some ask the questions:
why are those suffered great sacrifices
are the ones being accused of heresy,
maligned and lied at?
why are those who were loyal
and steadfast are now called
the "rejectionist" or counter-revolutionaries
by those who never knew how to wage
a revolution or went through one?
and why are those who called themselves
revolutionary vanguards
are the one's who repeat the silly mistakes
and who only loved to self-praises
and do not want to be criticized?

He who talked about the giant oak tree
can never be toppled by dwarfs
have forgotten what Mao said
that the giant trees cannot be felled
by swift winds from above but
surely will be felled by the slow winds
accumulated from below.

I dont know but it might be the law
of history that those who stood
for what is right will surely suffer
while those who postures in authority
while always be deaf and blind to the truth
away in their ivory towers
away from the cries of the people
and their real leaders
while their subalterns enjoy the lust
of power and greed of glory
in their orgies for flesh,
authority and money.

What more sacrifices
they want? how many lives
must be lost and work to be done
or blood be shed so they can see what is right
and correct the errors they have wrought?

Yes, even the moon can eclipse the great sun
and the clouds can hide the stars during
the darkest night
But that what it takes to stand
for what is correct and fight for what is just
to be a revolutionary is not to let
injustice to oneself pass...

If then what worth is life
that is not laid for a good cause
yes, it is hard to go against the tide
but what a relief to get to the safe bank
after riding the wave
and daring the current

Thanks, and a million thanks
to all the masses and comrades
who gave us the their trust
you filled our hearts with love
to dare and go against the tide,
Yes, revolution is not a picnic
and more than writing poem
and just being inspired,
it is life, itself to live for.

 Saturday, March 6, 2010 at 9:42pm

Welcome Home...

We were a big family
Sixteen uncles and aunts,
Scores of cousins, hundreds if
You add the second and third degree
And it used to fill
The long tables for Sunday
Night bingo games
Or simple birthday parties
With pineapple juice, egg sandwich and
Spaghetti to dance the night away.
But those were the days
In the Philippines when we
Celebrate new years and Christmas eves
Of wakes, wedding,
birthdays and deaths.

Still they do it without us
And here in the so called
Land of the free and home of the brave
We started to do it
They say when I returned home
The prodigal son,
As if I never was gone
For a long while
But they welcome
him unlike the so called
comrades who labeled him as a heel
Who threw him away
Like a used rag
But has no regrets
The work has been done
And it can never be erased
By the god dammed revisionist
because it was history

He knows the masses
here or there,
Will never forget
And they will always
Welcome him home
To help them
liberate themselves

Sunday, March 7, 2010 at 8:37am

Kababaihan (Awit)

Kababaihan tumindig ka
magbangon at magkaisa
buong tapang at giting humarap ka
sa unos ng pakikibaka

Itaguyod ang himagsikan
sa ilalim ng bandilang pula
iwasto ang maling kaisipan
wakasan ang kahirapan

Sa tatag ng pakikipaglaban
panahon na upang iyong patunayan
ang buhay laging nakalaan
ang bayan ay sadyang paglingkuran

Kababaihan,tumingig ka
magbagon at makiisa
sa hanay ng nagkakaisang
mangagagwa at magsasaka
kilalalin ang tunay na kaaway
mga buhong at taksil sa bayan
mag arw ding mangingibabaw
ang tagumpay ng kasaysayan!

Tuesday, March 9, 2010 at 5:05am

Ang Palay at Ang Mga Kasama

Ang mga kasama
ay tulad ng nupling ng palay
Itinatanim upang maging isang bunga
Upang bunutin at anihin
Para muling itanim at yumabong
Na isang halamang hitik ng mas maraming bunga

Pinayayaman upang maging matibay
Upang sa pagtarak nito sa lupa
Ay muling mamunga
ng mas maraming buhay
Na may matibay na sisidlang
Kayang ipagtanggol ang sarili
Mula sa init at lamig,
Hangin at bagyo ng kalikasan

At sa pag-aani ng bunga nito
Daraan pa ito sa pag-gigiik at marahas na hampas
Upang ihiwalay ang ipa sa tunay na bunga,
Ang dumi sa malinis na kabibing kayumanngi
Para ihanda pagbabayo at pagsasala

At sa gitna ng lusong
ito ay paulit-ulit na binabayo
Upang ihiwalay muli ang kabibi sa bungang puti
At kakaning pinipig kapag inihaw
At dinilaan ng apoy
At saka muling tatahipin
Upang ganap nang ihiwalay ang bunga sa ipa

Tulad ng rebolusyon
Ang mga rebolusyonaryo
ay dumadaan din sa proseso
Katulad ng palay
Akala mo ay ganap nang isang tao
Kahit dumaan na sa maraming proseso
Ng unos at bigwas ng bayo at lusong
Ng pagtatanim at pag-aani
Ngunit iyon pala ay marami pang
nakahalong dumi at ipa
Kaya dapat pang muling salain
At dumaan sa ilang ulit na pagtatahip
Para tanghaling ganap na butil ng bigas
At hindi na palay.

Alam kaya ito
ng mga naglunsad ng rebolusyon?
Na marami pa silang tungkulin na dapat gampanan?
Na hindi natatapos ito sa paglalatag
At pagaani ng palay?
Kailangan pang itong
Paulit-ulit na bayuhin
para ganap na maging bigas?
Dumaan sa ilang pagtatahip
At hindi dapat na maging tigil
At kontento na sa pagani at paggapas
Ganoon din sa pagbabayo
at panimulang pagtatahip?

Sana alam nila
Para lalong silang tumibay
Para tanghali silang butil ng bigas

Sana nawa
ay alam nila.

 Monday, March 22, 2010 at 2:58pm

Reply to Comrade Guo Moruo

On this tiny globe
A few flies dash themselves against the wall,
Humming without cease,
Sometimes shrilling,
Sometimes moaning.
Ants on the locust tree assume a great-nation swagger
And mayflies lightly plot to topple the giant tree.
The west wind scatters leaves over Chang’an,
And the arrows are flying, twanging.

So many deeds cry out to be done,
And always urgently;
The world rolls on,
Time presses.
Ten thousand years are too long,
Seize the day, seize the hour!
The Four Seas are rising, clouds and water raging,
The Five Continents are rocking, wind and thunder roaring.
Our force is irresistible,
Away with all pests!

~ Mao Zedong

posted: Tuesday, March 30, 2010 at 8:32am

Dalawang Salin


On this tiny globe
A few flies dash themselves against the wall,
Humming without cease,
Sometimes shrilling,
Sometimes moaning.
Ants on the locust tree assume a great-nation swagger
And mayflies lightly plot to topple the giant tree.
The west wind scatters leaves over Chang’an,
And the arrows are flying, twanging.

So many deeds cry out to be done,
And always urgently;
The world rolls on,
Time presses.
Ten thousand years are too long,
Seize the day, seize the hour!
The Four Seas are rising, clouds and water raging,
The Five Continents are rocking, wind and thunder roaring.
Our force is irresistible,
Away with all pests!

Tugon kay Kasamang Guo Moruo

Sa munting globong ito
May ilang langaw na ihinahagis ang sarili sa pader,
Walang tigil na humihinghing,
Kung minsa’y humahalinghing,
Kung minsa’y umuungol.
Mga langgam sa puno umaastang malakihang bansa.
Mga kulisap magaang nagkukutsabahang ibagsak ang higanteng puno.
Nagkakalat ng mga dahon sa Changan ang kanlurang hangin,
At mga pana nagliliparan, tumataginting.

Kay raming gawain ang humihiyaw na gawin,
At laging mapagtulak;
Umiinog ang daigdig,
Tumutulak ang panahon.
Labis ang ltagal ng sampung libong taon,
Agawin ang araw, agawin ang oras!
Umaalsa ang Apat na Karagatan,nagngangalit ang mga ulap at tubig,
Yumuyugyog ang Limang Kontinente, dumadagundong ang hangin at lindol.
Di mapipigil ang ating lakas,
Palayasin ang lahat ng peste!

The Dictators ni Pablo Neruda

An odor has remained among the sugarcane:
a mixture of blood and body, a penetrating
petal that brings nausea.
Between the coconut palms the graves are full
of ruined bones, of speechless death-rattles.
The delicate dictator is talking
with top hats, gold braid, and collars.
The tiny palace gleams like a watch
and the rapid laughs with gloves on
cross the corridors at times
and join the dead voices
and the blue mouths freshly buried.
The weeping cannot be seen, like a plant
whose seeds fall endlessly on the earth,
whose large blind leaves grow even without light.
Hatred has grown scale on scale,
blow on blow, in the ghastly water of the swamp,
with a snout full of ooze and silence.

Mga Diktador

Nananatili ang alingasaw sa tubuhan:
ang halo ng dugo at katawan, nanunuot
na talulot na nagdudulot ng nakakasukang pagkahilo
Sa pagitan ng mga niyog puno ang mga libingan
ng mga butong wasak, ng mga walang garalgal na paghandusay.
Kausap ng maselang diktador
ang mga kapitalista, mga heneral at mga pari.
Kumikintab ang munting palasyo tulad ng relo
at mga rapidong halakhak ng mga may guantes
tumatawid kung minsan sa mga pasilyo
at umuugnay sa mga boses ng patay
at mga bughaw na bunganga ng mga bagong libing.
Hindi nakikita ang mga umiiyak, tulad ng halamang
ang mga binhi ay laging nahuhulog sa lupa,
ang malalaking bulag na dahon lumalago kahit walang liwanag.
Lumalawak nang lumalawak ang pagkamuhi
Sa sunud-sunod na hambalos, sa kahila-hilakbot na tubig ng latian,
na may ngusong puno ng putik at katahimikan.

~ ni Jose Maria Sison
Reply to Comrade Guo Muruo ni Mao Zedong
March 30, 2010 at 3:43pm

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa-- ni Andres Bonifacio


Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at magkadakila
Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Pagpupuring lubos ang palaging hangad
Sa bayan ng taong may dangal na ingat,
Umawit, tumula, kumata't at sumulat,
Kalakhan din niya'y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod,
Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot.

Bakit? Alin ito na sakdal ng laki,
Na hinahandugan ng busong pagkasi,
Na sa lalong mahal nakapangyayari,
At ginugulan ng buhay na iwi?

Ay! Ito'y ang iang bayang tinubuan:
Siya'y iona't tangi sa kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanang ng araw
Na nagbigay-init sa buong katawan.

Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan,
Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal,
Mula sa masaya'y gasong kasanggulan
Hanggang sa katawa'y mapasa-libingan.

Sa aba ng abang mawalay sa bayan!
Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay,
Walang alaala't inaasa-asam
Kundi ang makita'y lupang tinubuan.

Pati ng magdusa'y sampung kamatayan
Wari ay masarap kung dahil sa bayan
At lalong mahirap. Oh, himalang bagay!
Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay.

Kung ang bayang ito'y masasa-panganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid;
Isang tawag niya'y tatalidang pilit.

Hayo na nga, hayo, kayong nagabuhay
Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan
At walang tinamo kundi kapaitan,
Hayo na't ibangon ang naabang bayan!

Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak
Ng kaho'y ng buhay na nilanta't sukat,
Ng bala-balaki't makapal na hirap,
muling manariaw't sa baya'y lumiyag.

Ipahandug-handog ang busong pag-ibig
At hanggang may dugo'y ubusing itigis;
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid,
Ito'y kapalaran at tunay na langit!

Friday, April 2, 2010

Lihim na Lagusan

(Alay sa BHB sa ika-41 Taon nito)

 Makapal na gubat
Puso ng gubat
Dibdib ng bundok,
Lagaslas ng tubig
Talon ng kagandahan
Ngunit mag-ingat ka
Magiging talon ng kamatayan
Kung ikaw ay madupilas
Sa matatarik na bato
At baging na hawakan

Ang lihim na lagusang
Tinuklas ng mga giya
Ng masang mapapagkatiwalaan
Na naging daan na buhay
Ligtas na lagusan ng mga kasama
Na tumuklas ng daan
Ligtas mula sa kaaway
Na gumagamit ng eroplanong
Pangmanman,
Ng satellite mula sa kalawakan
Ng mga espiya mismo sa hanay
Ngunit nangabigo
Sa loob ng mahabang panahon.

Ilang sugatan ang dito nagdaan,
Ilang armas at gamit ang ligtas na pinasan,
Ilang mensahe dito ay dumaan,
Ilang grupo ang bumagtas tungo sa laban,
Tunay ngang ligtas na daanan,
Ho Chi Minh trail sa Byetnam
Sa Pilipinas, ang lihim na lagusan.

Ngunit batas ng tunggalian
Na may mga sisipot na taksil
Na magkakanulo
Ng ligtas na landas
At ito ay babaybayin
Ng kaaway
Magiging bitag ng tambang
At biglaang enkwentro
At ang dating ligtas na landas
Ay lantad ng gagamitin ng kaaway
At hindi na ito lihim na lagusan

Minsan ito ay matitigib ng dugo
At kahirapan, pook ng matinding labanan
Natin at ng kaaway
Ang ligtas na lagusan
Hindi na lihim at lantad nang
Pook ng labanan

Ganyan din ang kilusan
Ang dating kasama ay nagiging kaaway
Lihim man o lantad
Ngunit ang lagusan ay isa lamang daan
Marami pang daan ang malilikha
At magiging lihim na lagusan
Ligtas sa gamit ng masa,
Ligtas na gamit ng kilusan
Isang hagdan ng kagandahan
Ligtas ng lagusan
Tungo sa tagumpay!

 Thursday, April 1, 2010 at 4:35pm

Love or Condition? ( A Poem for April Fools Day)

I am old and grey
But I still wonder
Why people love
and fall out of love?
Libido or passions,
Lust or ambition,
Power or devotion,
Anger or deceit,
fear or delight,
desire or obsession
hardships or glory,
Or everything above?

I have known people
Who choose one
over the other,
Who choose stability for their family,
the people around them,
the movement,
the nation,
or the greater good
or what they believe,
Instead of personal feelings,
And then they ended up
Hiding the bitterness in their hearts.

They died hiding it
deep in their hearts,
accepting the mediocre,
accepting what is practical,
and they ended up
as practically loveless.

I have played matchmaker
For a long, long time
And sometimes it comes back
As a challenge,
But I am already too old
For that

And yet the question remains.
Is it a personal choice?
Or a choice made for them
By the system
or themselves?
Will it ever change…
Only time can tell

But for me,
The choice will always be
Yours!

 Saturday, April 3, 2010 at 8:39am

Poem For Bataan Day

“To the men who fought
In defense of the Philippines
In the 1941-1942 campaign
The ill-trained, ill-armed recruits
In straw helmets and rubbers shoes
The pilots without planes
The sailors without ships
The men on horseback
Fighting tanks with sabers
The gunners short of shells
The soldiers with obsolete rifles
Hungry in the foxholes of Bataan
And the batteries of Corregidor
Racked by dysentery, malaria, beriberi
Surviving on false hopes
Defeated at long last by their bodies
Sent to die in their faceless thousands
In the long cruel march to Capas
And in the concentration camps
This memorial is dedicated
By their grateful countrymen
Who will not forget
That their defeat was weakness of the flesh
But victory of faith loyalty and love.”

By General Carlos P. Romulo
1945
Manila

Fathoming

Why do people in love
Always want the assurance that
They too were loved?
They want to fathom
if a person
Loves them back.
And if they are not
They look for that love,
From another person
And keeps coming back and
Looking for that sad illusion
To be a reality?

Well, I say go get a life,
Move on and get over it
But as they say-easier said than done.
But time as the greatest healer
Will take away all the pain,
And what will remain
Are ugly wounds
That will only ache
With pain and longings
An empty vacuum,
During winter time

 Sunday, April 11, 2010 at 6:54am

Uncle Roy ( Royal Morales), Aming Patnubay


Noong ika’y sumakabilang buhay
Ang lahat ay nagpugay
Lahat ay pumuri sa iyon abot langit
Ipinangako nilang ipapangalan sa iyo
Ang bagong gusali ng SIPA
Ngunit nakalimutan nila ito
At binasagan itong Temple-Gateway,
Kung sabagay may pangako ba silang tinupad?
Lahat ng pangako nila ay napapako.

Napakaraming buhay ang iyong binago
Sa pagtuturo at pamamatnubay
Kung paano maging Pilipino sa Amerika
o maging Amerikano sa pagiging Pilipino
at ikaw ay nagtagumpay.

Dahil lagi kang magiging bukambibig sa kanila,
Laging nilang babangitin ang iyong pangalan,
Magsusulat hinggil sa iyo
Dahil ang kasaysayan mo
Ay kasaysayan nila
At ng komunidad
Dahil ikaw ay bahagi
Ng kasaysayan
At ito ang iyong iniwan

Lalagi kang buhay Uncle Roy
Sa nakaraan at bagong kilusan
Ng karapatang sibil
Na inyong nilahukan
Sa mga librong iyong isinulat
Katulad ni Ka Bel nag-aayos ka
Ng bubong ng iyong bahay
Ng ikaw ay pumanaw.
Nagtatrabaho hanngang sa huling hininga
Dahil inayos mo hindi lang iyong
Bahay kundi ang aming buhay
ang ating komunidad,
ang iyong komunidad,
ang iyong tunay na tahanan.


Tuesday, April 13, 2010 at 9:43am

Pulut-Pukyutan

Pinakamasarap na kainin
Ang pulutpukyutan
Ngunit alam mo ba kung
Gaano kahirap itong kunin
Mula sa pugad ng mga bubuyog
Na binabantayan ng libong matatalim
Na pangil na nakamamatay ang kagat?

Alam mo bang mahirap umakyat ng puno
At sungkitan ang bahay ng reyna
Na pinagingitlugan ng libong itlog
Ng pukyutang inipon mula
Sa sinimsim na bango ng mga bulaklak?

Katulad in ito ng niyog
O ng tuba mula sa nipa
Na mas madaling kunin di tulad ng
Pulutpukyutan nuno ng tamis.

Alam mo bang kailangang magdala
Ka ng apoy upang pausukan ang pugad
Upang hindi ka makagat ng bubuyog na bantay
At maswerte ka kung di ka makagat
Ng mabalasik na ama ng iyong pinapatay
Na kolonya ng mga batang bubuyog?

At kahit makuha para kang tae
Na sinusundan at inaamoy ng daang bubuyog
At kinakagat habang pababa sa matayog
Na punong sadlakan ng kanyang pugad.

At pagkatapos, ang pulot ay iyong
Ihihiwalay sa pugad na kay sarap,
Isasabote ang malinamnam na katas,
Ang malagatas ng pugad ay bibiyakin
Para iyong mananam ang gatas
Para igamot sa masakit na kagat.

At ang pinagkatasan ay gagawing esperma
O kandilang pangpatigas sa sinulid
Na iyong isusuot sa panahim karayom
Kayat maraming dilag na mananahi
Na sa iyo’y magpapasalamat.

Ay kay hirap ng magani ng pulutpukyutan
At tanging sanay na mga katutubo ng gubat
Lamang ang nakakagawa nito
At di karaniwang magsasaka
Ang tatanghaling eksperto sa gawaing gubat

Ganyan din ang pagrerebolusyon
At paglikha ng bagong kaayusan
Gusto mo ng tamis,ng sarap?
Kunin mo ang pulutpukyutan
Sa gitna ng gubat
Sa taas ng punong matayog,
Tigasan ng lahat ng masel
Sa pangunguyapit paakyat
At pababa ng akyat,
Tiisan ang kagat,
Dalhin ang apoy
At lumikha ng napakaraming usok

At kapag ikaw ay nagtagumpay,
Tagumpay ka ngang ganap!

Saturday, April 24, 2010 at 5:44am

Kabayo ng Asendero

ni Rogelio L. Ordonez

tatlumpu't walong milyong piso
ang presyo ng kabayo
ng babaing anak ng asendero
nuwebe pesos at singkuwenta sentimos
ang pawis na idinilig ng sakada't magsasaka
sa tubuhan at kabyawan ng asyenda
nuwebe pesos at singkuwenta sentimos
ang dugo ng brasong naging katas
ng talatalaksang tubo sa asukarera
sabi nga ni antonio jacinto ng angola:
"sa malawak na lupaing iyon
ay bihirang umulan
pawis ng aming noo
ang nagdidilig sa tubuhan...
sa malawak na lupaing iyon
matataas na ang mga tubo
dugo ng aming katawan
ang katas ng mga tubong iyan."
nuwebe pesos at singkuwenta sentimos
lamang iyon kada araw
at milagrong maragdagan pa
sa kabila ng nag-aalab na protesta.

marinig pa kaya ng kanilang patron
sa altar ng dusa ang laksang nobena?
maulinigan pa kaya ng diyos ni abraham
ang inusal nilang mga decenario
para sa namayapang kapwa sakada
na halos hangin lamang at dusa
ang nagkarambola sa bituka?
milyong ulit na rin silang nagrosaryo
pero di narinig maging ng kabayo
kyrie eleyson, kristi eleyson
kristo pakinggan mo po kami
diyos ama sa langit
diyos anak na tumubos sa sanglibutan
diyos espiritu santo
santa maria
santang birhen puno ng mga birhenes
ina ng grasya ng diyos
tone-toneladang asukal
ang nalilikha namin para sa asendero
gabutil lamang ng hamog ang asukal
ng namumutla naming tabo ng kape
sa giniginaw at nananangis na umaga
sinong diyos ang tatawagin pa
maisabaw man lamang sa kanin
at malasahan ng gilagid at dila
pulot na espesyal na may gatas pa yata
para sa kabayo ng babaing pinagpala?

tatlumpu't walong milyong piso
ang halaga ng kabayo
ng babaing anak ng asendero
kabayong tinuruang magilas na lumakad
magmartsang parang heneral ng hukbo
sintulin ng kotseng porsche at ferrari
ng asendero kung tumakbo
habang uugud-ugod sa tubuhan
at kabyawan ang sakadang si pedro
kabayong tinuruang lundagin
ang hilera ng mataas na barandilya
sa larong pangmilyonaryo't elitista
ang equestrian ng mga nakapasak
sa nakatatakam na puwit
at mapang-akit na bungangang pinakikipot
ang gintong tenidor, kutsara't kopita...
sa takipsilim pag-uwi ng sakada
halos gumagapang kung umakyat
sa nakadipang mga baytang
ng mababali nang hagdang kawayan
nakaluhod, nagdarasal ang dampang kugon
sumisigaw ang utak ng sakadang si pedro
paano pa nga ba siya mangangabayo
sa bagong ligo sa posong dibdib na kasuyo?

tatlumpu't walong milyong piso
ang presyo ng kabayo
ng babaing anak ng asendero
kabayong kapag medyo matigas ang ulo
umaalma't tinatamad sumunod sa amo
agad na magiliw na hihimasin
susuyui't hahalikan pati nguso
kapag bahagyang bumahin-bahin
natutuliro't nagkukumahog ang beterinaryo
kung anu-anong bitamina't gamot
ang isasaksak at ipalulunok sa kabayo.

nuwebe pesos at singkuwenta sentimos
ang presyo ng sakada't magsasaka
sa asyenda
kapag umalma't nagprotesta
dudukutin, bubugbugin, lalatiguhin
kung minsa'y pauulanan pa ng bala
nang malagutan na ng hininga
di maibili ng kahit ataul na palotsina
mabuhay man sa kadadasal ng mga kasama
o sa paghihilamos ng agua bendita
di naman makatikim ng kahit decolgen at aspirina...
kyrie eleyson, kristi eleyson
kristo pakinggan mo po kami
diyos ama sa langit
diyos anak na tumubos sa sanglibutan
diyos espiritu santo
santa maria
santang birhen puno ng mga birhenes
ina ng grasya ng diyos
tubusin mo na po kami sa dusa
iligtas sa mga disgrasya
nang di alayan ng decenario ng mga kasama
o, diyos ni abraham
hahawakan na namin ang espada ni san miguel
upang di tubuhan lamang ang tabasin
kailan bubutasin ng punglo ang ulo
ng taltumpu't walong milyong pisong kabayo
ng babaing anak ng asendero
para ang espesyal na pulot naman nito
ang lamunin ng hayok naming mga bunso?

posted:  Wednesday, April 28, 2010 at 12:59pm

Balintuwad na Hukom

Itong si Justice Corona, ang kapal talaga:
kinoronahan ni GMA. Hepe ng inhustiya ,
ngayon gusto niya sumumpa si Noynoy sa kanya
dahil daw sa tradisyon ng ating republika
ngunit ayaw ng mama, sa kapitan ng barangay
na lang daw na lang daw siya manunumpa,
kaysa sa tao ni GMA na balintuwad na hukom
nang maiitim na roba at masamang pakana.

  Monday, May 17, 2010 at 9:14am

Tapos na ang Pista at Karnabal


~Tula ni Rogelio Ordonez

 natapos na
ang ilang araw na pista sa tierra pobreza
pinagpahinga na
sa simbahan ang mga santo at santa
nalustay na
multi-bilyong piso ng mga juan at juana
kailan uli ang susunod na pista?

giniba na ang tanghalan ng kahangalan
ng ilusyon at kasinungalingan
nagsara na ang beto-beto sa peryahan
itinupi na ang telong asul ng karnabal
hangal na mga payaso'y wala na
mala-tipaklong na sirkero'y umalis na
anino ng salamangkero'y di na makita
nasaan na ba sila?
naglakbay sa ibang planeta?

nagwakas na ang karnabal sa tierra pobreza
tsubibo ng panghihilo'y inatado na
usok na lamang ang apoy ng buladas
luoy na ang bulaklak ng mandurugas
gabundok ngayon ang basura
tinanggal na banderitas sa kalsada
polyeto't kartolina sa plasa
retratong dikit-dikit sa kuryente
paskel na binakbak sa pader at poste
kartelon at tarpulinang hinablot ng masa
ginawang piring sa mata ng dinding
ginawang trapal sa bintanang nakanganga
naging palda ng barungbarong at dampa
o naging salawal at panty kung katsa
ng gusgusing mga hijo y hija de puta
sa nakadipa't nagsalabat na eskinita.

namalikmata ang bata-batalyong masa
sa nagdaang pista sa tierra pobreza
muling isinakay sa hangin ang pangarap
pinalipad sa balumbon ng alapaap
pilit na inahalik sa maputlang buwan
at baka marinig na ng diyos ni abraham
kukumutan na kaya sila ng kaluwalhatian?
ilang ulit na silang naglitanya
tuwing pista sa tierra pobreza
ilang ulit na silang lumunok ng ostiya
nagrosaryo't nagnobena
ilang ulit na silang sumawsaw sa agua bendita
ilang ulit na silang naghosana
para makalaya sa hirap at dusa.

talagang ganyan sa tierra pobreza
tuwing pista lamang sinusuyo't inaaliw ang masa
huwag nang asahan ang laksang ligaya
pagkatapos ng multi-bilyong pisong pista
balik-pasada sa gubat ng mga kalsada
ang kampon ng mga johnny pantera
balik-banat buto ang manggagawa sa pabrika
balik-araro sa bukid na di kanya
ang hukbo ng mga magsasaka
balik-hawan ng damo, balik-tabas ng tubo
sa malawak na asyenda ang laksang sakada
balik-sagwan sa dibdib ng dagat
mangingisdang kayakap ng lamig at dilim
isang kilong bigas, isang latang sardinas
listahan ng isang kilometrong utang
ang iaalay sa pamilyang naghihintay.

nasaan na ang mga payaso't sirkero't salamangkero
matapos ang pista't karnabal sa tierra pobreza?
nagdaraos naman sila ng sariling pista
sa mansiyon ng saya't ligaya
nagpapakalunod sa pawis at dugo ng masa
nginangasab ang tiyan at dibdib ng bayan
sa mesa ng pribilehiyo't kapangyarihan
kailan naman kaya, o diyos ni abraham,
aataduhin ang kanilang mga katawan
ng mga biktima ng kanilang panlilinlang?
kailan magdaraos ng sariling piging
sa tierra pobreza
ang busabos na mga mamamayan?

~posted: Thursday, May 20, 2010 at 1:38pm

Old School, Old Folks

Circa 1910 Manila
when nationalism
was the order of the day,
when the collaborators were more patriotic
then the true ones
who were hanged,
when the patriots still talks
in fiery Castillian tongue
to spite the Americans,
when the city was inside the walls,
and the Yanquis
were trying to build a new one
outside the walls,
and teach their brand of democracy
when 1910 is still in the 2010's
and then destroy it during the world war.
as they tried to bastardize our language
in a new "Taglish style"


Well i know they will not succeed,
i laugh and i smile
as i see my old folks
in their granduer
of the old
as i am am old now
reliving the splendor of Manila
in a far away land,
in the community of
more than 5 million Filipino Americans.

Tuesday, May 25, 2010 at 2:07pm

At Wala na ang mga ng Punong Sampaloc sa Kamaynilaan

Wala na ang mga puno ng Sampaloc
sa distrito ng Sampaloc
Sa Kamaynilaan,
tulad ng pagkawala ng Santol sa Santolan
At Mangga sa Manggahan
Maging ang mga duhat sa Karuhatan
At ang tanging naiwan
Ay mga lumang larawan
Sa nagdaang panahong tinalikuran

Nang bungkalin at baguhin
ang dating aspaltadong daan,
Binutas nila ang kalye at pinalitan
ang mga lumang imburnal
ng sementong matibay
kasamang hinugot ang mga puno
sa magkabilang daan
pinagpuputol at pinagbiling panggatong
at ang lugar na tinawag na Sampaloc
ay tanging natagurian na lang sa pangalan


Walang lilim sa kalsada
at laruan ng mga batang kalye
Wala nang tatakbuhan ng mga batang paslit
Sinemento na ang dating ilog
At inilibing na ito sa mga higanteng kalsada
Kaya nga ang sumpa ng kalikasan,
Sa kaunting ulan, lubog ang Maynila
Ang ang kalsada’y nagiging karagatan

Pinalitan nila ang puno ng mga higanteng poste
Ng elektrisidad sa kalunsuran
Mukhang kalansay na aserong
Walang ganda o lilim man lang
At palaging patay kapag may bagyo
O matagalang brown-out sa tag-araw

Wala nang mga puno sa lupang sinilangan
Katulad ng pader ng Intramuros
Na winasak ng mga kanyon ng Kano
at ang tanging itinira ay mga munting kahoy
na itinatanim kapag may dumarating
na bisita ang Malakanyang.

Wala nang bungang
aakyatin ang mga kabataan.
Wala nang mga dahong
pwedeng ilaga at gawing sinigang
sino pa nga ba ang nakakaalam
na ang Sampaloc ay isang lugar na maraming puno
pinaghalawan ng kanyang pangalan?
kundi ang henerasyong nakaraan
wala na,
wala na silang ipamamana sa
kinabukasan
kundi isang pangalan

Wednesday, June 2, 2010 at 6:37pm



Tundo

Tinawag na dating alkalde
na "timbulan ng laya at diwang dakila"
ang dating kaharian ng malaya
na tinatagos ng dagat at mga kanal
na daang bangka,
nang masakop ng mga dayong Kastila.
ginawang pamayanan
ng mga alipin at mga bagamundo
ng lipunang sinakmal ng dalita

Malayo at tunay na malyong malayo
ka sa San Miguel/Santa Mesa
na tinawag na lugar ng Lakan
na tinawag na Malacanang,
na palasyo ng mga gobernador heneral
at ng mga buratsero at buratseranng
mahadero at mahaderang pangulo
daw ng bayan.

Di naglaunan'y naging pugad
ng karalitaan, ng mga latak ng lipunang
namimiktima ng kapwa mahirap
at pinaghahanap ng batas,
dumami ang dayong galing ng karatig
karalitaan
at ang dating mga ilog
napuno ng burak at putik
at maiitim na dumi ng dagat

Ilang pulitiko ang nagsabi sila ay tagarito
na sila ay mahirap kaya makahirap
yun pala ay korupt?
Di na nila kinahiyang sabihing
kahanay sila ng mga bayaning
tulad nia Jacinto, Bonifacio, Sakay,
Amado V. Hernandez at
Bayani Abadilla, Bodjie Jimenez
at marami pang inang
mga tunay na anak ng Tundo
na magiting na lumaban para sa bayan.

Ang sala-salabat na mga daang kahoy
sa marumi mong kanal ay larawan
ng komplikadong sistema ng lipunan,
hindi ba naging inspirasyon ka ng mga
makatang nagsabi na sa iyong piling
may langit din?

Kay rami nang pagbabagong naganap,
diyan itinatag ang Katipunan,
sumugod ang rebolusyonaryo at itinaboy
hanggang Azcaraga ang mga Kanong mananakop,
na sa galit--- sinunog ang Tundo, Kalookan, Malolos,
ang Pasig at Pateros maging ang Samar
upang gumanti sa ating paglaban.

Sa pusod mo, winasak ang Partido ng mga Anak Pawis
Sa Moriones noong Mayo uno, 1930,
at naging pugad ng mga gerilya laban sa Hapon
na bumaril sa kolaborator na Pangulo
na maka-Hapon noong araw.

Naging tambakan ng basura,
at ginawang mga bagong pabahay
para pagtakpan ang karalitaan,
pero andyan ka parin sa gitna ng burak
ang dangal ay buo at magiting na lumaban

Taglay mo pa rin ang dangal ng lahi
sa panggalan ng mga datu at lider
na lumaban at nagdusa para laya:
sina PitongGatang, Gatmaytan,Manugit, Soliman,
MagatSalamat at marami pang iba
na ipinatapon sa Mexico at naging punla
ng bayang Pilipino sa Amerika;
Ang Bangkusay na naging dagat ng dugo,
ang saksi sa magiting na paglaban
ng pakikitunggaling di tititigl
hanggang di mabawi ang kalayaan,

Tunay na tunay
giliw, ang Tundo ang puerta sa karagatan
at pintong tarangkahan at pasukan
ng mga dayuhan sa Maynila,
diyan din sila itataboy ng bayan
sa pagbabalikawas nito sa kinabukasan.

 Thursday, June 3, 2010 at 7:02am

Itaas, Iwagayway ang Bandila

 Itaas ang bandila at hayaang iwagaway ito
ng malayang hangin ng mahal na bayan,
ng malayang taumbayan-
ng bayan ko at saan man sulok ng sandaigdigan
sa mga mayhor na syudad ng balyenang imperyalista;
ipinagtanggol ng milyong buhay,
ng magigiting na kawal at taumbayan
di yumukod kailanman sa mga dayuhan

Mula ng iladlad ito sa Alapan at magtagumpay
hanggang sa inangkin ng mga ilustrado
sa Kawit, Cavite, maging balabal ng pighati
at sakripisyo ng mga kinulong pinahirapan
ng mga inutas ang buhay sa plaza ng bitayan,
ng linyang tagabaril ng guardia veterana civil
ng mga indyo'y pendehong Kastila
sa Bagumabayan, Trece Martirez,
Puerza Santiago, Naga at Cebu
at mga kulungan ng imperyong Espana
na pinatalsik ng bandilang wagayway

Dinala ka ng mga sundalong republikano
sa mga duguang trensera ng Kalookan
La Loma, Novalichez at San Juan
isinugod mula Tundo hanggang Azcacaraga
at nawagayway sa nasusunog na Malolos,
Pasig, Pateros hanggang Samar
maging sa primera linya ng Ilocos,
sa San Jacinto at Pasong Tirad,
mga tagumpay sa Cavite, Laguna't Batangas,
San Mateo at Bulacan, Sa Mataas na gulod ng Guadalupe
sa mga pilapil ng San Pedro Makati,
dala nila Sakay, Tinio, Luna, San Miguel
di ka binitiwan sa gitna ng bakbakan,
doon kumain ng alikabok ang mga
mananakop na kano sa gitna ng pukpukan.

Inalagaan ka at kinantahan ng mga dakilang
Jose Palma, Julio Nakpil, Jacinto at
Antonio Luna na ibinalot ng bandila
ang pinaslang na katawan sa Cabanatuan---
at nang sumuko ang nalalabing labing anim
na sundalo ni Heneral Miguel Malwar sa Batangas--
kahit gutay-gutay
ang mga Amerikano ay sumaludo at nagpugay
humanga sa tibay ng mga sundalong nakipaglaban

Kaya ng iibinawal na pagpapakita
sa anumang pagtitipon at pagdiriwang,
sa takot ng imperialista sa simbolo
ng paglaban at katapangan---
at ng payagan, napailalim ito
sa bandilang kano ng panay estrella
tanda ng paghihirap ng bayan
sa panahong kolonyal

Ipinaglaban ka sa gitna ng madugong Bataan.
at kahit isunuko ng mga dayuhan.
dinala at tinaas sa gitna ng kabundukan
ng mga gerilya at boloman--
mula sa mga kweba ng Jones at Kiangan
hanggang Bessang Pass at daang Balite
sinugod ang mga Hapones hanggang magapi ng
lahing magiting na patuloy na lumaban

Ilang aktibista ang namatay at napahirapan
para itaas lamang ang bahaging pula
na ibig sabihin na tayoy nakikidigma laban sa pag-aapi
ng kapwa Pilipinong tuta ng dayuhan?
ilan ang umangkin at ipinipiilit itaas ang bahaging bughaw
na simbolo raw ng kapayapaan?
Ilan ang nalinlang upang itaas ang bandilang ito
sa mga kuta ng mga kababayang rebelde
sa Mindanao upang maging simbolo
ng pambansang pang-aapi?
di ko na mabilang at balak
na bilangin pa ang mga nalinlang

Tunay na tunay
aking sinta, masdan mo ang pulang bandila,
simbolo ng katapangan at kapasyahan
ng bayang patuloy na lumaban
Ang bandilang punit-punit
na sa pusong may hapis,
hayaang iwagayway ito at hampasin ng hangin
at malayang dalhin sa mga malalaking martsa,
sa mga mayor na lungsod ng Amerika--
sagisag ng lahing malaya at diwang dakila,
ng paglaban at diwang palaban
ng mamamayan sa lahat ng dako ng daigdig,
ng Pilipino, ng kasaysayan
at patuloy na makikibaka
hanggang kaamtin ng bayan ang
ganap na magtagumpay
at ang masa.ang uri ay
lubos nang lalaya!

Saturday, June 5, 2010 at 5:37pm

Yakapin Mo ang Skyline at Paradise Hills.

Sa unahan ng linya matatagpuan mo ako
Sa hanay ng masa . sa pagitan ng mga kulubot na mukha ng matatanda,.
Na naghihintay ng bigay na tipak na keso ng gobyerno,
Sa mga nagngangalit na ugat.
Tumitibok ng pag-asang sa susunod na araw
May darating mula sa kamay ng uring mangagawa,
Mula sa papalakas na pakikibaka sa gitna ng mainit na araw.
Huwag kang matanong hinggil sa akin
Matatagpuan mo ito
Sa dulo ng aking baril.
Sa sigaw ng milyong
Naghahangad ng pagbabago
Tubog sa pulang putik
ng sumisingaw ng lupa ng Montalban.
Sa bawat piraso ng nagbabagang uling,
Sa bawat patak ng pawis, bawat piraso ng akasya,
Sa bawat sentimong ipinapadala ko sa aking bayan.
Ang pagtighaw buhay na ito, ang inunan
Na hindi mapipigtal,
Kayat yakapin mo
ang Skyline at ang Paradise Hills.

Tuesday, June 8, 2010 at 5:59pm
( Salin mula sa tula sa Ingles ni Ree ng San Diego) 

Ang Dapat nating Ipagmalaki


Mayron tayong dapat maipagmamalaki
mga Pilipino sa lahat ng dako ng mundo,
na mas malalaki ang ipis natin
kaysa sa mga ipis sa Amerika
kahit masyadong matatangkad
ang mga basketbolista nilang Aprikano
at imported mula Europa at Tsina
at nakakalipad lagpas ng net
ng matataas ng goal ng bola,
Mas malalaki naman at
lumilipad pa ang ipis sa Pilipinas

Nakapasok ito sa mga tainga
at nakakangangang mga bibig
ng malalakas maghilik at
pagod na magsasaka, gumagapang sa
mga paminggalang tuyo at
walang lamang plato
wala ni anumang katas na makukuha


Kung ang mga daga at ipis
ay nagtatago sa mga imburnal
ng LA at iba pang syudad
at lumalabas lamang sa gabi
Tulad ng mga puta
at call boy na nakatambay
sa mga mall ng avenida,
Naglipana naman
ang mga daga sa bukid at parang
ng bayan kong Pilipinas,
nabubuhay sa pagitan ng
mga nupling ng palay at damo,
sa kabukirang kinakatahan
ni Sylvia La Torre at Celeste Legaspi
At nagtatago lamang
Sa takot na makain
sila ng mga gutom
na magsasakang
walang makaing protina sa kanayunan

Naglipana din sila sa mga pook iskwater
at kolonya ng mahihirap
sa ilalim ng tulay at tabing ilog ng basura
at mga basurahan sa kalunsuran,
kapiling ng mga dukha sa karalitaan
nitong huli nga, hinuli na
at ipiniprito parang balang
sa Pampanga na ipinagbibili sa daan

Pero mas marami sila
ang matatabang daga
sa Kongreso pinarami
pa ng bagong dagdag
party-list ni GMA,
unang una na ang
mukhang dagang si Palparan
na nakasalamin pa
at nakahandang kumagat
at sumisip at uminom
ng dugo ng mahihirap
kasama si Colonel Honasan
na nagiipon ng tainga
ng mga rebeldeng Muslim
at Lacson na mahilig
sa mapuputing bellas
at humahanga sa machong
si Erap na hindi para
sa mahirap,
Naroon at kasama din nila
din ang reyna ng maliliit na daga
--ang bagong Kongresista
ng mga dugong asong
sa Batasang Pambansa,
kapiling ang mataba
at matangkad na dagang
mahilig naman sa mga stewardess
at mestisang intsik
kaya nagoperahan sa puso.

Tanging ang malalaking ipis
sa Amerika
ay yaong galing ng Alemanya,
nakaligtas sa pagpuksa
sa mga Hudeo sa mga ghetto
ng Polandia,Warsawa at Liditze,
Krakowa at Buchenwald--
Pulang pula sila
gaya ng mga komunista sa Rusya,
dahil hindi sila mapuksa
ng impaktong Nazi ,
mga kampo ni Hitler
at mga alagad niyang idolo
nila Ermita at Gonzales
at mga obispo at kardinales
ng simabahang kapanalig
ng pandak na daga
na binabasbasan ng mga
banal na pusa at aso
nagkukuta sa mga simbahang
tanggulan ng paniniwalang
ideyalista at luma

Maipagmamalaki
Nating mas malalaki ang ipis
sa Pilipinas kaysa sa Amerika
dahil mas masustansya ang
ating lupa at laman ng tao
at mga bukid at bundok
ng ating bayan,
di tulad sa Amerika na lahat ay ilado
at pinatigas ng yelo
kaya walang sustansya,
nagyelo sa malalaking freezer na
sagana sa kuryente at enerhiyang
hinakot mula sa mga ninikaw
sa mga parang at bundok
ng mga Indian sa hilaga
at malawak na patag
ng mga lawa ng
Amerika’ t Canada
kaya namamayat ang mga ipis
lalo na ang mga nakatira
sa mga apartment
ng mga mahihirap
sa Amerika na sintanda
sangdaang taong hukluban
na at pinaglipasan na
ng ilang digmaang pandaigdig,
dinaanan na ng gyera sibil,
at maraming martsa ng mga alipin
at mga manggagawa...


Kaya nga takot ang mga burges sa ipis
kaya sila nagpipilit na maging malinis
sa mga naglalakihang mansion
sa Beverly Hills, Bel-Air at Marin County,
kaya nagbabahay sila
sa tuktok ng mga bundok,
sa mga gulod tanaw ang dagat
malayo sa kabihasanan ,
nagtititili sila
oarang naputulan ng tinggil
kapag nananakita ng ipis,
malayo at takot
sa mga amoy-pawis
na taumbayan,
habang kasiping
mga mahihirap na Mexicano
sa kanilang apartment ang mga ipis
ganoon din ang mga Pilipinong
hindi na makapaglinis ng bahay
dahil tatlo, apat ang trabaho
ang kinakayod,
daig pa ang kabayong pangarera
Sa Santa Anita at Hollywood
para mabuhay lamang
kapiling ang mga ipis.

Kaya dapat tayong magmalaki
dahil mas marami tayong ipis
Ika nga ni Claire Danes,
“ang Maynila ay amoy ipis
at tahanang ng mga ipis”
Bakit naman tayo magagalit,
Katulad ng kagalang galang na mayor
Na kaibigan ni Pacquiao?
dahil kasama ng nating nabubuhay
ang mga daga at ipis…
Dahil sa huli kapag
tayo ay namatay,
pagpipiestahan din tayo ng daga at ipis
At ng mga uod
kahit na ang mga puntod
ay marmol o nasa lupang hinukay
sa Norte man o La Loma
o sa Loyola sa Marikina

Kasama natin ang ipis
mula pagkabuhay at kamatayan,
Magsaya tayo dahil mas malalaki
ang ipis sa Pilipinas
kaysa sa Amerikang
kahit maraming gatas at matamis na nectar,
di nila magamit.
At nasisira lamang
O tinatapon sa dagat,

Kay saklap naman ng buhay,
mabubuhay at mamatay tayo
kasama ng mga ipis
dito sa Amerika
at sa bayan nating Pilipinas.

Wednesday, June 9, 2010 at 10:01am

The Lords of Illusions

 Building lies
from white lies
is like scrambling eggs
mixing the white with red
then it becomes yellow
is like building a foundation
of lies

Saying it is the truth
by telling lies and
passing it up as principles
is beyond comprehension
is but rationalizations
for failure passing it up
as victories

Yes, turning bad things
into good things is a process
but my goodness
making protracted struggle
into the stage of protractedness
is already an error
and people should wake up
to see the real picture

Yes, sometimes accepting the truth
is the hardest
but we will be real revolutionaries
if we really stand on the ground,
and not from the steeple towers
from a far away land.

Thursday, June 17, 2010 at 3:07pm

Nang Magkita si Andres at Jose

Sa una at huling gabi
ng La Liga Filipina
nagkita si Doktor Jose at Andres,
tinignan ng una ang huli
mula ulo hanngang paa
dahil wala
itong sapatos
at ang suot ay mumurahing Amerikana,
"Ito na kaya si Elias o Kabesang Tales
na aking sinulat?"
tanong ng una...
malalaman sa ilang araw at taon
matapos
siyang maaresto
at ng kanyang
pangmamata.

Saturday, June 19, 2010 at 8:08am

Nang Paslangin Si Andres Bonifacio

Pinatay nila ang Supremo
Upang pagharian ang kanyang binuo
Sa akalang mapapasakanila ang kapangyarihan
isa itong malaking pagkakamali,
Simula pala ito ng delubyo
sumakmal sa bayan sa susunod na mga taon;
Lilitaw lamang ang mga mas malalaking pagkakamali
pagsisihan habang buhay
Ipinagpalit sa ilang panahon ng kapangyarihan
Paulit-ulit na paglalalangan,
Ilang ulit na hindi makikinig sa mga tamang payo,
Palibhasa mga mayayamang ilustrado
ang kanilang uri ang magkakanulo sa kanila
Nang paslangin nila ang Supremo
Ibaon sa di namamarkahang puntod,
Pinatay na rin nila ang bayan,
Hahayaang matali ito sa pundilyo ng mga dayuhan,
ilang ulit na mananawagan ang dakilang heneral,
“Isuko ang inyong mga armas
At lumahok sa eleksyon para sa kapayapaan.”
ilang ulit magkakaila
hindi niya pinapatay si Supremo Andres,
Heneral Antonio Luna at kasama nito,
dakilang heneral na isusumpa ng bayan
mamatay na malungkot
at di pinapansin,
dinudurhan
ang mukha't pangalan,
marami pa sa kanya ay tutulad,
akala sa kapayapaan,
sa eleksyon ng burgesya,
pagpapatuta sa dayuhan,
Malulutas ang problema ng bayan.
Sangkaterbang baliw at mga hangal!

Supremong pinaslang—
Hindi man lamang binigyan
Ng marangal na libing,
Palagi ng babangon sa diwa ng bayan,
Lalaging tangan ang armas
Hanggang makamtan ang tunay na kalayaan…

 Sunday, June 20, 2010 at 9:13am

Pananalanta

Kalikasan ang likas na mananalanta
Winawasak ang kapaligiran
Sa hambalos ng malakas na hangin,
Rumaragasang tubig nagdadala
Ng mga malalaking puno at bato
Lahat ng bagay mula sa mapangwasak
Na daluyong ng likas na yamang
Winasak ng mga tao

Ngunit mas mapangwasak
Ang taong inuutusan ng
Naghaharing uri at
Mananakop na dayuhan
na manalanta
Nanununong ng mga bagay at ari-arian
Maging tao ay sinusunog ng buhay,
Binubuwag ang mga templong itinayo
Ng libong buhay,
Upang magbigay daw
ng bagong sibilisisayon
Sa iba’t ibang uri ng panggalan:
Bagong Lipunan, Bagong Lipunan,
Demokraya, Kalayaan,
Asembleya, Komonwealth,
Republika,
Bagong Simula:
Wala na ang mga baryo
Dating lakas ng masa,
Tuyo na ang mga bukal,
Batis at lumawak na ang mga ilog,
Tuyo ang pampang sa tag-init
Tigang ang lupa sa tag-araw
At rumaragsang putik o baha
Sa tag-ulan.
Wala na ang mga kabataan sa baryo,
Nagabroad para magpaalila
O kaya nasa mga bayan
Para humarap sa mga camera
Para pagyestahan ng mga
Gahaman sa lamang dayuhang
Naghahanap ng mail-order bride.

Nabura na ang mga baryo dahil
Sa utos na wasakin ang rebelyon
Bago matapos ang 2010.

Ito ang simula.
Sabi ng mga nasa media;

Ito ang simula.

 Sunday, June 20, 2010 at 2:14pm

Pananalanta (2)

Pananalanta

Kalikasan ang likas na mananalanta
Winawasak ang kapaligiran
Sa hambalos ng malakas na hangin,
Rumaragasang tubig nagdadala
Ng mga malalaking puno at bato
Lahat ng bagay mula sa mapangwasak
daluyong ng likas na yamang
Winasak ng mga tao

Ngunit mas mapangwasak
taong inuutusan ng
Naghaharing uri at
Mananakop na dayuhan
manalanta
Nanununog ng mga bagay at ari-arian
Maging tao ay sinusunog ng buhay,
Binubuwag ang mga templong itinayo
Ng libong buhay,
Upang magbigay daw
ng bagong sibilisisayon
Sa iba’t ibang uri ng panggalan:
Bagong Lipunan,Malakas na Republika,
Philippines 2000,
Demokraya, Kalayaan,
Asembleya, Komonwealth,
Republika,
Ngayon ay Bagong Simula:

Wala na ang mga baryo
Dating lakas ng masa,
pinanundar sa matagal na panahon,
hinawan mula sa makapal na gubat,
pinuhunan ang dugo at pawis
para maglahong bula
sa ilang saglit, sa ulan ng mga bomba
bala ng kanyon o sulo ng kawal,

Tuyo na ang mga bukal,
Batis at lumawak na ang mga ilog,
Tuyo ang pampang sa tag-init
Tigang ang lupa sa tag-araw
At rumaragsang putik o baha
Sa tag-ulan.
patay na ang mga ilog,
wala nang mga isdang
madaling hulihin
at naging burak na
mga piskaria sa baryo

Wala na ang mga kabataan sa baryo,
Nagabroad para magpaalila
sa Middle Easdt, America o Europa;
O kaya nasa mga bayan
Para humarap sa mga camera
Para pagyestahan ng mga
Gahaman sa lamang dayuhang
Naghahanap ng mail-order bride
o sa Maynila naging bellas
o alila sa mga kamag-anak
o mayayaman sa Dasma

Nabura na ang mga baryo dahil
Sa utos na wasakin ang rebelyon
Bago matapos ang 2010,
wasak na ang mga mosque
at bayan ng mga Moro at Lumad
habang tahimik ang mga plantasyon
naliligo sa kemikal
mga magsasakang-bukid
pati pamilya sa galis at sakit sa baga


Ito nga simula.
Sabi ng mga nasa media;

Ito na ang simula.


Sunday, June 20, 2010 at 3:22pm

“Problema ang Makata” (Alay kay Ka Randy ng BAGWIS, Chicago)

laging mainit, panahon sa timog amerika
lunan daw at pugad ng mga makata
silang laging pangarap ang katubusan
ng bayang pinakamamahal
bansang inalipin at dinusta
ng pendehong peninsulares mula sa espanya
ng iustradong mga anak, maging apo nila
silang lumalangoy sa dugo
semilya ng mga de goiti, salcedo't legazpi
silang inaruga ng mga indian ng timog amerika
pero pambubusabos ang isinukli pa
silang nagwasak ng templo ng pagmamahal
ng katutubong ritwal at awit ng pag-asa
silang nagluklok sa altar ng dusa
ng santo't santang mula sa europa
ilong matatangos, mangasul-ngasul ang mata!

problema daw ang mga makata
sa panahon pa ni plato ng makalumang gresya
silang matatalas ang dila, isip at diwa
silang ubod wagas kung magmahal
silang inaawitan ang labing mapupula
susong malusog, mapang-akit na mata
silang inaawitan ang alindog
ng mga dilag na malilibog
sila daw ang problema
ng kontinente ng europa at amerika!

problema ba sila
dahil nagsasabog ng liwanag
sa isip na nadirimlan?
problema ba sila
dahil iminumulat ang masa sa katotohanan
upang sagradong karapata'y ipaglaban?
problema ba sila
dahil di nahilo sa kamanyang
insenso ng santo
o di nabulag sa altar ng luho
ng mga pari't obispong ipokrito
torero ng mga pia alba at maria clara
ng mga huli, inosenteng dalagita
sa pilipinas man o amerika?
problema ba sila
dahil may kaisipang marxista?
at unang sumigaw:
"alerta, amerika latina
abajo imperialismo, fuera dictadura!"

mga makata, problema nga sila
ng uring mapagsamantala
laging totoo ang sinasabi nila
tulad sila ng mga jose marti ng cuba
ni ruben dario ng nicaragua
ni pablo neruda ng chile
ni rigoberto lopez perez ng nicaragua
na di nangiming utasin
diktador ng bansang pinakasisinta.
problema nga sila
silang saksi ng kasaysayan
silang mambabatas ng lansangan
silang matapat na tinig ng budhi ng bayan
nakikipagniig kasi sa kanyang mga pangarap
at kasama niyang pumapalaot
tulad ng marinero
ang guniguni
ng mga naniniwala
sa kanya!

paalam Ka Randy...

 Monday, June 21, 2010 at 5:13pm

Ang Labi

Hindi dahil siya ay anak sa labas
kaya hindii siya tinanggap ng lipunan,
inaruga ng alkadle,
naging magaling na mag-aaral
hanggang kinilalang amang
diputado ng Bulacan,
nagsikap
magaling na abogado
paborito ng diktador,
nagkomisyoner ng customs
hepe ng hustisya
hepe ng tanggulang pambansa.

Binuksan ng martial law
ang kanyang landas
sa kapangyarihan-
naging administrador
nag-alaga ng mga batang opisyal
mga walang kaluluwa’t mamatay tao,
bagong markang bungo,
puhunan sa hinaharap.

Dumating ang pagkakataon,
kasama ang nanabakong heneral
nag-alsa sila sa laban
kanyang among
kundi nagsumamo sa simbahan
at sa mga pulitikong kalaban niya
malamang namatay sa bibitayan.

Ngunit likas na palalo inaway
nagtapawad sa kanya,
namuno ng ilang kudeta
mga tunay na bayani ng EDSA
nanataling mahusay na pulitiko
at mambabatas
pabalik-balik sa kongreso,
mula sa mababa
hanggang sa mataas
na kapulungan
nitong huli,
kasama ang isa pang
sipsip sa may kapangayarihan
siya pa ang nagproklama
sa bagong pangulo.

Tubay na isang tambuli,
matunog na pakakak,
ng naghaharing uri..
nuno ng yaman,
sa kunat
at sa pagiging tuyong tuyo
sa pagiging makunat
at masiba.

Mga kababayan:
ipagbunyi natin
ang huklubang senador,
Ipagbunyi natin
ang labi ng lahat
ng lahat rehimeng nagdaan:
senador ng mga loggers,
mga negosyante,
ang ubod ng yaman
ubod ng yabang--
dakilang mangingibig:
kilalang kilala ng bayan,
alam na ninyo kung sino;
apo ng walang kamatayang
tagahanap ng bukal ng buhay
napakasamang damo
di mamatay-matay.

 Friday, June 25, 2010 at 11:48am

Inagurasyon

Walang bago, hinabing luma
sumusumpa sa langit, pangako sa masa,
pagbabago, kaunlaran, matatamasa,
tignan kung saan hahantong,
( Sabi ng Kapanpangan:
Subukan pamo para mabalu)
pag-asa ba o wala.

Tuesday, June 29, 2010 at 9:38pm

Inagurasyon 2

Sa mahigit na limampung taon ko sa daigdig
pare-pareho ang sinasabi sa presidenteng nadinig
lalabanan ang korupsyon, kahirapan mapapalis
ngunit pagbabago laging di nakakamit

Nadinig ko na naman itong isang nangangako,
sa ngalan ng ama't ina na diumano'y napako
samahan daw nating magpasan ng krus sa kalbaryo,
ewan ko ba, kung ano pa ang mababago.

Sa martsa ng Ati ku pung Singsing umalis ang luma,
sa himig ng Leron Leron Sinta nagmartsa ang bago,
ano kaya ang mangyayari tulad din kaya ng kanta?
" pagdating sa dulo, naglaho ang bunga--
kapos kapalaran, eleksyon na naman,
hahanap ng Iba?"

Wednesday, June 30, 2010 at 7:37am

Guardya De Honor // Inagurasyon 3

Masamang tradisyon
Na ang unang guardya ng pangulo ng Republika
Ay ang batalyon ng Kawit.
Matapat nga kay Aguinaldo
Mga duwag naman sa labanan
Unang tumalilis sa harap ng mananalakay na Kano.
Ayaw magsuot ng uniporme,
At tanging katapatan sa amo
Ang natatanging nilang sandata.
Mga traydor na mamaslang,
Binaril at tinaga sina Luna at Roman
Sa Cabanatuan, kaya siguro
Iniwanan ni Aguinaldo
At ang itinira hanggang sa Tierra Virgen
ay ang batalyon ng Bulacan
Ni Heneral Goyo at kapatid
Na mas tapat at matapang.
Tinawid ang Pangasinan, Ilocos ,
Cordillera, Cagayan
humatong sa Palanan
At doon nasakote ang manangarap
Na mabunying heneral ni Quijano De Manila.
Pumalit ang mga kawal ni Quezon,
Nang mabu0 ang komonwealth
hindi madala sa pagtakas sa Amerika,
Naiwanan na mga gerilya.
Pumalit naman ang mga guardya ni Makoy,
Ninanakaw ang mga panti ni Imelda
Para isuot at amuyin,
Ngunit tapat sa among kalbo
Kaya sinama ni Marcos sa kanyang distyero
Sa Hawaii hindi sa Paoay.
Kaya muling binuo ang PSG
Para bantayan ang babaeng pangulo,
Ngunit napasukan pa rin ng mga taksil
Na rebeldeng militar
At nang pumalit ang ikalawang babae
Sa Malacanang,
Pinatibay ang mga tapat na kawal
Na nandaya sa eleksyon,
Pumatay ng mga aktibista,
Naniktik at dumukot
Ng marami na di nakita pa.
umastang Emperador,
Kaya sa bagong administrasyon,
nakakahanga na pagmasdan
Ang mga guardya de honor,
nakaasul o berde at rayadillong
Uniporme ng nausyaming republika
kaiingat ka at di mo alam,
Ang iyong bantay ang papatay sa iyo,
Kung di magiingat,
alalahanin lagi ang aral
Roma – guardyang pretorian
Ng Sikh ni Indira ng India,

Guardya de honor
Kawal ng republika--
bantayan!

Wednesday, June 30, 2010 at 5:52pm

Bayanihan (2) Kahulugan

Akala ng iba ang diwa bayanihan
tulong sa kapwa, kawanggawa
basta makatulong ito ay okay na
hindi nila alam diwa nito'y malawak at ibang-iba

Natural na lamang sa mga Pilipino
ang tumulong sa kapwa sa abot nito
ngunit ang kahulugan, malalim ito
dahil patungkol sa bayan at gawain nito

Kaya nga bayani ang tawag natin
sa namumukod na indibidwal na nanglingkod sa atin
nagbuwis ng buhay, nag-alay ng galing
para sa kagalingan ng lahat, lalo ng bayan natin.

Kaya nga sana por diyos por santo
tigilan na ang paggamit ng BAYANIHAN kuno
para lamang masabing tayo ay Pilipino
isaisip lagi tunay na kahulugan nito!

Friday, July 2, 2010 at 7:22am

Fools - all of them

She dances cheek to cheek
With them all
Like a common whore

For a song,
She promises them
The lush breasts of her mother

And everything hidden in her crevices
So too the food about to be dropped
On her children’s plates

In her bedroom, they whisper
Words that tickle her nipples
She loses her grip

On the last thread of her sanity
They ask her to stop the wind
And the noise that announces their failure

Their vileness, their crimes and wrongs
Hidden in the pockets of their pants
Dumped in the chair at the foot of her bed

She agrees.
Fools – all of them

Who can stop the wind?
Who can stop the mind?

// Salin ng Tula ni Cheryl
 Friday, July 2, 2010 at 7:45am

Salin ng Tula ni Cheryl

Nagsayaw siya,pisngi sa pisngi
sa kanilang lahat
tulad ng isang puta

Para sa isang awit
na pinangako niya sa kanila,
ang mayamang dibdib ng isang ina

At ang lahat ng nakatago
itinambad, upang makakain
kanyang mga anak

Sa loob ng kwarto
bumubulong sila habang
sinisipsip ang kanyang utong
na nagpapalibog sa kanya

At sa pagkabaliw nila
sinasabing itigil niya
ang pag-ihip ng hanging
tumatangay sa kanila
at sa kanya
at pumapawi sa mga kabiguang
bumabalot sa kanila

Ang kanilang pag-iimbot,
kaimbihan,kamalian
at biglang itatapon mula
kanilang pitaka
sa kanyang paanan.

Pumapayag siya
dahil silang lahat
tigib ng kaululan

Sino nga naman
ang magpapatigil
sa hangin at sa diwa?

July 2, 2010 at 7:45am

(I wrote this at the height of the ZTE Broadband scandal three (or four?) years ago and never edited and published it because I thought the language would shock my own mother. I intended to trash it. But Gloria just had to pack her things and leave the palace. I am publishing this here while it seems relevant.)

Tag-Araw sa Cabanatuan, 1899

Masinsin ang paghahanda ng Heneral,
Kahit sunud-sunod ang pagkatalo,
Nasisisiyahan dahil tumitigas ang mga kawal,
Bigo ngunit lalong tumatapang,
Handa sa mga susunod na labanan.
Maayos na ang depensa sa kabundukan,
Nailipat na ang arsenal,
Nakaposisyon ang mga pwersa ng bayan,
Nailipat at naitago niya ang kabang yaman,
Ng republikang naghihingalo
Ngunit sa tingin niya’y hahaba pa ang buhay;
Nang makatanggap siya ng telegramang
Ipinatatawag siya sa Cabanatuan.
Palibhasa disiplinado at hangad
Matapos ang gawain sa lalong
Medaling panahon,
Iniwan ang mga guardya at isinama
Lamang ang matapang na ayudante
Sa pagdating sa kumbento
Wala ang nagpatawag at dapat kausap,
Sa halip ang mga walag modong
Sundalong suberbiyo ang naratnan
At ng sitahin, punglo ang sumagot
Sa matapang na Heneral at ayudanteng
Bumagsak habang nagmumura,
“Mga traidor, cobarde…”
At di pa nasiyahan
Pinagtataga ang gulok
Ang mga nabuwal.
Matapos ay saka inilibing
Binigyan ng parangal.
Ang tanging sinabi ng nakasaksi
Na ina ng nagpatawag:
“Buhay pa ba yan?
Hanggang ngayon lantad na lihim
Na ang nagpapatay ay ang Presidente
Ng Republikang di nagtagal.

Ilang ulit na naulit ang pangyayari,
Ang mga pagpatay
At kawalan ng katarungan:
Kay Senador Aquino, Evelio Javier,
Cezar Climaco, Joe B. Lingad Sr,
At sa bagong panahon-
59 sa Maguindanao
At marami pang nawawala at pinatay.
Kay haba ng listahan
Nagsimula kay Supremo at Andres
At naulit sa Cabanatuan.
Noong tag-Araw ng 1899.

Saturday, July 3, 2010 at 7:43pm

Paglalakbay

Noong araw, iniisip ko
Bakit ako ipinanganak
sa isang panahong
walang nangyayari?
Nakaupo sa lumang pader
Intramuros tanaw ang dagat,
Pampang ng kabilang Pasig,
Ang malawak na Bagumbayan
At mahanging baybay
Itinatanong: Bakit wala ako
Nang labanan ni Rajah Soliman sina De Goiti,
Ng mga Kapampangan ang mga Ingles,
Ng mga Tagalog ang mga piratang intsik,
Nang lusubin ng mga Katipunero
Ang tinggalan ng armas sa San Juan,
Nang hindi pinapasok ng mga Kano
mga rebolusyonaryo
Sa loob ng syudad ng pader.
Bakit wala ako sa panahong ng digma,
Kung saan ang mga sundalo ay nagdusa,
Pinalakad ng ilang daang kilometro
Sa tutok ng mga bayoneta,
Panahon ng mga gerilya ay buong tapang
Lumaban sa mga sakang at singkit na kaaway.?
Sa wari ko iniluwal ako sa maling panahon.

Ngayon ko lamang nalaman
Na mali pala ako.
Dahil ang aking panahon
ay naghihintay.
Ang pagkainip pala ay magbubunga,
Ang pangarap
magkakatototoo
Ako, Kayo, kami
Pala may gagampanang
Papel sa pagbabago.

Saturday, July 3, 2010 at 10:56pm

Riding the Train

Peering out of the window
the mighty sea
taunts me
as it extends from
San Diego to the Bay
to LA
and reminds me
of the great ocean
facing Manila Bay
as its waves curl up
back and forth like flags
during the World Cup
and demonstrations
I am always reminded
beyond the blue horizon
is my homeland
and my sun dried
weather beaten people...
struggling to be free.

Saturday, July 10, 2010 at 10:56pm
San Diego

A Friend's Advice

A comrade and friend
once told me: I was
too transparent.
He sung me a song
i still hum today:
"Don't cry out loud
just keep it inside
learn to hide your feelings."
and learned it,
to be funny when i am sad,
to be nice when i am angry,
to be quiet when i am filled
with rage
and inscrutable,
But sometimes
i am not good in masquerade
i am natural
when I am angry,
and i curse,
happy when its fun,
serious when i should be,
and yet i have to
act as he says,
deep inside
unfathomable
and always
be strong.

July 14, 2010 at 10:14am

Mga Gitarista

Nakilala ko kayo
Sa loob ng kilusan
Bawat isa may katangian
Pagmamahal sa musika
Iba’tibang estilo ng pagtugtog,
Pagtipa at paghawak ng gitara
Ngunit iisa ang tunog,
Nagbibigkis sa masa
At sinasaliwan ang himig,
Daing at pag-asa
Ng sambayanang lumalaban
Mula sa pagkagupiling

Si Ka. Jesse at Ka Dolfo
ay maghalinan,
parehong bumaba
dahil ang isa
ay nadakip ng militar,
pumalit si Ka. Alan
minoryang Dumagat
napakagaling sa gitara,
nagbuwis ng buhay
sa dulong hilaga
habang nagpapalawak,
andyan din si Ka Orlan
ng FQS na sandali lamang
nabuhay at nawala ng sukat
tinanggay ng malakas
na agos ng ilog Tumauni
at nawalang tuluyan
sa gitna ng rumaragasang bagyo
tulad ng nawalang himig,
Sila ni Ka Cidy
ay parehong virtuso
Sa gitara laging
kinasasabikan ng madla
andyan din si Ka Jessie Liday
Di lamang gitara ang alam
Kundi maging banduria at violin
Nagpapasaya sa baryo
Sa mga miting
at pagdiriwang ng bayan

Ngunit iba si Ka. Marvin ng Pateros,
Aktibistang masa ng Maynila,
Produkto ng FQS,
Kabisado ang Beatles
hanggang klasika
Kaagapay si Ka Arting,
Mga musikero ng bayan,
Nakakalumbay ng siya
ay magbuwis ng buhay
noong 1980
parang namatay ang musika
sa gitna ng kaparangan
at natahimik ang gubat
ng mawala ang mga huni ng ibon
sa kawalan

Pinakahuli si Ka. Pol
Organisador ng mga tsuper
Kasama sa pagwawasto ng 1990’s
matutuwa ba ako sa labanan siya
magbuwis ng buhay
kaysa maupos dahil
sa sakit?

Pinagsamang Cidy, Alan,Orlan at Marvin
Sa pagtugtog at pag-awit
Ang buhay ay nakitil
Sa larangan ng digma
Tulad din nila Alan at Marvin.

Ngunit marami nang gitarista
Ang naging supling
ngayon ang nagtataguyod
Ng kultura ng bayan
Ng bayang bumangon na
At lumalaban
Kapiling ang gamit
na gitara sa larangan.
Sona at mga teatro,
hindi mapipi ang gitara
hindi mawalala ang musik
ng pakikibaka
sa lansangan
Ng mga syudad, bayan
Maging sa sentro ng mga kapitalista
Lumalaban
Nakikibaka
Sa paglaban
Sa paglaya!

Sunday, July 18, 2010 at 9:15pm

Nang Magpaalam Ka


nnang magpaalam ka
walang luhang pumatak
sa mahamog na damuhan
o isang butil man lamang
na sumanib sa tikatik na ulan
walang hikbing sumalit
sa langitngit ng punong kawayan
walang mapait na ngiting sumilay
sa labing nakakilala
ng mga halik ng dalamhati
isinasayaw ng hanging marahas
ang buhok mong hanggang baywang
di nagdaop ang ating mga palad
di naglapat ang ating mga katawan
sa mahigpit na yakap ng pamamaalam
ngunit nasa mga titig sa isa’t isa
ang muhon ng pakikiisa
sa matagal nang adhikain ng masa
ilang tapik lamang sa balikat
ang ipinabaon ko sa iyo
kalakip niyon ang laksang mensahe
sa iyong paglalakbay patungo
sa malayang bundok na naghihintay.

nang magpaalam ka
di isinaysay ang laman ng puso
di ipinaliwanag ang kapasiyahan
nakapinid ang labi ng mahalumigmig
at lumuluhang madaling-araw
ngunit nag-aapoy ang mga mata mo
para maunawaan ko
ang hagupit ng lintik sa isip
ang daluyong ng dugo sa ugat
na di sa katawan mo lamang nagwawakas
kundi sa himaymay ng laman
ng bawat sawimpalad
ng mga itinanikala sa hacienda
at malawak na kabukiran
ng mga inalipin ng makina
saanmang pabrika at empresa
o ginutay ng inhustisya
ng pambubusabos at pagsasamantala
ng di makataong lipunan
ng di makatarungang burukrasya
oo, di kailangang pabaunan
ng agam-agam o dalangin ng kaligtasan
ang dakila mong paglalakbay
tungo sa mabulaklak na katubusan.

nang magpaalam ka
sinasaluduhan ko ang iyong paglisan
di ko na inaasahang maririnig pa
ang lagunlong ng tinig mo
sa mga lansangan ng protesta
di ko na makikita
ang kumpas ng mga kamay mo
habang idinidiin ang mga punto mo
sa paglilinaw sa nilumot
nang mga suliranin ng lipunan
na humihiyaw ng kalutasan
oo, di ka na makakasalo
sa kantina ng isang platong kanin
at kapirasong ulam
oo, amanda de los reyes
di ko na inaasahang magbabalik ka pa
sa kuta ng pambubusabos
hanggang makulimlim ang panahon
at di pa sumisilay
ang mapulang sikat ng araw sa silangan
tulad nang ikaw ay magpaalam!

 ( Alay kina Ka. Violy,Ka Lorna,
Ka Viola, Ka.Minda, KA.Filomena,
Ka. Emma at iba pang kasamang
babaeng mandirigma)

Sunday, July 18, 2010 at 9:11pm

Mga Kwento ng Pag-Ibig


1.
Magkatabi sa higaan ang dalawang mandirigma,
nagtapat ng pag-ibig ang magaling na binata,
malungkot na sagot ng nagdadalmhating kasama:
"nang mamatay ang irog ko, puso ko'y namatay"
at idinatay ng lalaki ang kanyang paa at kamay
yumakap sa dalagang nabigla nagtanong:
Bakit ba?
"buhayin natin ang namatay mong puso."
sagot ng binata.
nang mag-init ang katawan,
dugo ay nabuhay pati pusong patay
tumibok nang masalsal

2.
Itong aktibistang tongo
na gustong manligaw
di makapagtapat sa babaeng minamahal,
nang nakasakay sila sa dyip
paatras mula sa naghahanap na mga pulis,
nagsalita ng di na makatiis:
" kung tumalon na lang kaya ako
dito tutal wala namang sa aki'y nagmamahal."
" Aba huwag" sabi ng kasama
" magtapat ka muna sa akin
bago ka magpakamatay"

3.
Ayaw paligaw ang dalagang-bukid
ayaw daw sa kasamang galing sa lunsod
ayaw daw niya sa presko at mabilis
nang payuhan ng kasamang maikli lang ang buhay
dahil maraming namamatay nang hindi nasagot
aba, kinabukasan, ang gulat ng manliligaw
kaagad na sinagot!

4.
Itong gitaristang deyokanong maginoo
hindi makaporma sa babaeng pinipintuho
alangan daw siya dahil magsasaka lang diumano
nagulat ng hinarana ng deyakonesa pinipintuho
kaya sa loob ng isang gabi, naayos ang butu-buto!

5.
Itong isang byudang kasama
di na raw iibig dahil siya ay tapat,
nang matagpuan
ang binatang bagito sa paglingap
aba'y bininyagan
ng ligayang di pa dinanas,
ayun nagsalo sa init ng magdamag

 Monday, July 19, 2010 at 4:02pm

Buhay Aktibista sa Amerika

Mali ang pamagat ng drama sa TV
Ayon sa kanila: dangal o puri?
Mukhang sa totoo ito ay dangal o pera
Lalo na sa lupain ng dolyar at mira

Karaming prinsipyong ay sadyang winasak
Ng hangad sa pera, tao ay yumakap
Tiniis ang layunin umayaw sa hirap
Pinagpalit ang puri maging dangal na nilingap

Usong-uso lalo sa America
lahat nabibili ang batayan ay kwarta
Wala naming kasing lubos na lumigaya
Kung walang pera pambili, pampagana

Dahil ang berdeng dolyar pinapanginoon,
Pati magandang asal ay itinatapon,
Aanhin daw ang prinsiyo kung ikaw ay gutom
Ni walang pamasahe sa paglilimayon

Kayraming dati ay matino at makabayan
Ang nagbago dahil sa dolyar na nahawakan,
Pampalubog loob, panghugas ng kasalanan
Magpadala ng kwarta o kahong balikbayan

Kahabag-habag lalo na mga oldtimers
Sila daw ay hindi Pilipino dahil sila nay citizens
Itinatakwil ang Pilipinas kahit sa turing
Ingliserong inglesero kahit kahit pinoy ang accent

O kaya magrali sa isang oras sa breaktime
Aktbista ka nang matuturingan
Sa harap ng konsulada saka litrato’y kunan
Saka ipaskel sa arkibo ng bayan

O kaya’y gumawa ng event
Saka magimbita para sa fundraiser
Aktibismo nang magdiskusyon ng kung anuano
Sabay laklak ng alak o pagkaing umaatikabo

O kaya dumalaw minsan sa Pilipinas
Dumalo sa rali saka mamasyal
Maging sa Sagada, Baguio at Boracay
Pagbalik ng Amerika, eksperto ng tunay

Kaya malaking bagay nagagawa ng kwarta
Ayon kay Napoleon susi sa tagumpay
Kaibang-kaiba kay Mao Tsetung ng Asya
Na ang kwarta ay lilitaw kapag tayo’y may masa

Kaya mga tunay na aktibista sa Amerika
Magsikap, magpalawak sa pusod ng balyena
Huwag magpagisa sa sariling mantika
Ipaglaban ang tunay na diwang sosyalista

Tagumpay ng kilusan sa Pilipinas ay magdudulot
Pagkaputol ng galamay ng pugitang lumulukob
Habang pakikibaka sa imperyalista ay susugod
Hanggang ang sosyalismo matamasang lubos!

Monday, July 26, 2010 at 3:15pm

Waga, 1913

Ikinwento ng matatanda
Sa mga bata sa harap ng mapulang atong
Ng nagbabagang apoy sa gitna ng gabi
Ang labanan sa Waga, Apayao;
sa bukana ng ilog Cabugao
kung saan nagtatagpo ang Pudtol at Marag,
papalabas ng Cagayan
tungo ng Lallo tila isang sawang namumulupot
at umaapaw sa tag-ulan;
Doon nagtipon lahat ng magiting na mandirigma
Lahat ng maaring humawak ng sandata
Mula edad trese hanggang sa pinakatanda,
Ihinasa ang kanilang mga aliwa,
Ang mga sibat at matatalim na pika,
Haharapin nila ang mga puti
Na may baril na mabilis na magbuga
Ng punglo tulad ng mga mestisong Kastila
Doon sa bukana ng Waga

Doon kung saan pumapagaspas ang hangin
nagdaaraan sa pagitan ng mga bundok
at makapal na parang,
Kung saan rumaragasa
ang mga naipong tubig
Tumatagos sa malalaking ,
at gahiganteng bato
dumaloy sa ilog ng Pudtol
Patungo sa malawak na ilog Pamplona
Kung saan nagwawakas ang mga talon,
Lumalagasgas ang tubig
Tulad ng mga alon sa tabing dagat
ng Aparri at Sanchez Mira
Doon mamumula ang tubig
Sa dami ng dugong tatatagas
Ng mga puti at tribong Isneg
Doon mawawakas ang tribo
o mabubuhay ng malaya
ang mga Apayao

Ngunit ayon sa kwento
ang mga Apayao ay nalipol
walang natira
sa mga mandirigma
Naubos silang lumalaban
Dahil muli may nagkanulo sa kanila
Tulad sa pasong Tirad,
Nang sa likod dumaan
ang mga tusong kaaway,
Iginiya ng mga kapwa Isneg na kampi sa puti
Na gumamit ng kanyong mabilis magbuga ng bala,
Nang gumamit ng mga Kastilang mersenaryo
At mga Cagayano ang mga kaaway
Sila ay nagapi ng kaaway.
Ngunit namatay silang lumalaban,
Ksama ng agos ng tubig,
Ng lagaslas ng mga talon,
Ng malakas na hampas ng hangin
Sa bukana ng ilog, nagigibabaw
Umaalingawngaw ang kanilang mga sigaw:
Laban, sugod, kamatayan o kalayaan!
Mabubuhay o mamatay
Ang tribong Isneg ng Apayao
Na lumalaban
Doon sa ilog ng Waga.

At ngayon, tahimik man ang ilog,
Umaalingawgaw pa rin ang putok ng kanyon,
ng masingang Gatling,
Ang repeke ng mga Sprinfield at Mauser
Na gumapi sa mga pika, aliwa
mga busog at pana ng mga Aggay,
Naubos man ang 5,000 mandirigma
ng Apayao sa labanan ng Waga ng 1913
Naroroon pa rin ang ilog
na saksi ng pinamadugong labanan
Sa kasaysayan ng hilagang Luzon
Nadi napapantayan.

Ngunit Enero ng 1987
Nang humanay
ang isang batalyon ng mga mandirigma
kaamiha’y kabataang Isneg,
Kalinga, Malaueg,
Dumagat, Aggay,
at iba't ibang probinsya ng hilaga
sa bagong panahon,
Ng bagong panahon
Dala ang mga armalite at masingan,
samut-saring armas
Samsam mula sa kaaway,
Muling nabuhay ang tribong
naglaho sa kasaysayan
Sa Ilog ng Waga,
nagmartsa ang unang batalyong pandigma
ng BHB upang sumabak sa matitinding labanan.

Ngayon, pagkaraan ng mga pagkakamali,
Masasabi kong hindi naulit
ang labanan sa Waga,
walang mapagpasyang labanang
inaasahan ng lambat-bitag,
Hindi naubos ang mga madirigma
kahit maraming napinsala
sa atrisyong naganap,

Bagkus ito ay nagpanibagong lakas
matapos ibaon ang bandila ng batalyon,
malansag ang mga pulutong,
upang muling pumalaot
sa gawaing masa,
Hindi na dumaloy
muli ang mapulang dugo sa ilog na ito,
ang naglahong tribo, ang 5,000
ay hindi namatay
at dumaoy sa ilog,
nagbunga ng mga binhi
Kumalat sa buong kapuluan
At sa pagpapanibagong lakas—
Ang diwa ng labanan ng Ilog Waga ng 1913—
Ay nagpasulong ng armadong labanan
mulng nagpula ng silangan
Sa aking bayan,
Nagbabadya
ng bagong kinabukasan.

Wednesday, July 28, 2010 at 7:26am