13.2.11

Egypt Struggles for Genuine Democracy and Freedom


Egypt Struggles for Genuine Democracy and Freedom


When the people of Egypt rose up on January 25, 2010, this was our message  to the brave people of Egypt:


Mubarak has to go!  MAKIBAKA, HUWAG MATAKOT!


We came out in droves and joined Egyptians in the United States in solidarity and now in the celebrations of their precious victory. We  pay our s highest tribute towards the militant people of Egypt and their martyrs for this victory!


We were appalled with the  Mubarak's declaration as he refuses to step down. It was a blatant provocation, a clear slap on the face against the people of United States. But he eventually stepped down after the military told him it his time to go.


We also  condemned  the "fence-sitting" stratagem of the US government. It was terribly disconcerting as the President issues press releases, speaking of freedom and democracy yet action to push for this goal is absent.


This inaction  and dilly-dallying shows support for Mubarak's ‘orderly transition process” keeping the tyrant in power for the next six months, but later Obama went out to praise the valor of the Egyptian youth for the revolution.


The Filipino American community salutes Egyptians in their millions. Those whom for the past 18 days, are still running through the streets, rising together in arms to repudiate a regime of oppression, to put an end to the servility to US imperialism. 


Fight for People’s Democracy and Freedom


We,  the American people are ecstatic to the fact that  Egyptians are finally asserting  their sovereign power. Worker unions and youth organizations who are leading the way to liberation and freedom!


We will continue to support the brave people of Egypt with the course they may take. We have taken to the streets in support of your just struggle. Egypt has a glorious history of nationalism and struggle.


Egypt stood against imperialism and western powers during the Suez canal crisis of 1956 and became a beacon against the lackeys of Imperialism in the near east. They reclaimed this glorious tradition even at their defeat during the 1967 war and again during the war for national salvation in 1973 where they regained their mettle.


It was during the Mubarak dictatorship where Egypt became the pariah of the Arab world. Mubarak is a dwarf  compared to Gamal Abdel Nasser and Anwar Sadat. They were despots but the people still lvoed them because they were Arab nationalist and for Nasser a staunch anti-imrerialist.

Mubarak chose to kowtow to Israel, align himself the united States and with  with the reactionary Saudis kings and dictators of the near-east, Mubarak plunged Egypt into the abyss of poverty and oppression.

Now Egypt is again proud to be Egypt!


If and when they need to have a social revolution to forge the path for national liberation and Arab solidarity, the Filipino-American community will always be behind them.


True  democracy and national salvation for Egypt and its people!


12.2.11

ANG TAGUMPAY SA EHIPTO, TAGUMPAY NG MASANG NAKIKIBAKA


ANG TAGUMPAY SA EHIPTO, TAGUMPAY NG MASANG NAKIKIBAKA


“ Ang tagumpay sa Ehipto ay tagumpay ng pakikibakang  masa!


 Ipinagbubunyi ng masang Pilipino-Amerikano dito sa Estados Unidos at ng progresibong sector na kinakatawan ng Alliance-Philipines ang tagumpay ng masang Ehiptyano sa pagpapatalsik sa diktador na si Mubarak at ng kanyang grupo.


Ang lahat, sa lahat ng dako ng US at ang  buong mundo ay may marudbdob na pagbati sa lahat ng masang nakibaka sa Ehipto, sa labas ng bansang ito at sa mga grupong nakiisa at sumuporta sa pakikibaka nila


Lubos na hinahanggaan at nagpupugay ng lahat ang  katatagan at katapangan ng masa sa Ehipto at sa kanilang pakikibaka sa loob ng 18-araw na walang puknat para igupo ang diktadurang nagpahirap at nagpasamatala sa kanila sa loob ng mahigit na 31 –taon.


Marcos at Mubarak


Katulad ni Marcos ng Pilipinas, napilitan siyang tumalilis ng magpasya ang US at ang military na siya ay alisin na sa pwesto.  Sa totoo,lang,  isang huling  saglit na kudeta na utos ng US at tulad ng pag-aalsang masa  ang nagpalayas kay Mubarak na kapit-tuko sa kapangyarihan.


Tulad ni Marcos,at Estrada ng Pilipinas hanggang sa huli kapwa sila na  nagmamayabang na mananatili sila  sa pwesto. Ngunit wala rin silang nagawa nang magsumigasig pa ang masa ng Ehipto na siya ay sibakin sa pwesto.


Walang tigil na paligiran ng masa ang palasyo, ang mayor na istasyon ng media ng gobyerno, ang mga minesteryo ng tanggapang panlabas at winasak ang halos lahat ng istasyong ng pulisya sa mga mayor na syudad ng Ehipto.


Hindi lamang sa Cairo naganap ang pag-aalsa. Halos lahat ng probinsya at mayor na syudad mula Cairdo. Alexandria at Suez, milyong masa ang nagpakita ng pagkasuklam, itinaas ang kanilang mga sapatos tanda ng labis na pagkamuhi sa diktador sabay sigaw; “ALIS NA!” 


At dahil dito napilitang umalis ang palalong si Mubarak at ang kanyang mga alagad.


Hindi pa tapos ang laban


Ngunit hindi pa tapos ang laban. Nanatili pa rin ang  kontrol ng militar na kontrolado ng US. Gayunman mas maganda na ito kaysa sa diktadurang nagpahirap sa Ehipto ng 30 taong singkad. Nasa kamay na ng masa ang pagkakataong baguhin ang kanilang kapalaran. Simula ng pagbabago ang kanilang tagumpay.


Maalalang pumalit si Mubarak sa napatay na lider na si Anwar Sadat na pinaslang noong 1981. Mula noong wala nang iba pang naganap na eleksyon sa Ehipto na hindi kinontrol ni Mubarak. Aalis siyang pwesto na may kurakot na aabot sa 40 bilyong dolyar. Nakaw sa kabang yaman ng bayan.


Kahalintulad ng EDSA 1 at 2, umaasa ang masa ng Ehipto ng makabuluhang pagbabago. Kung mabibigo sila tulad ng nangyari sa mga Pilipino noong 1986 at 2001, umaasa kaming hindi sila manghihinawang makibaka para sa sarili nilang kapalaran at tungo sa mas makabuluhang pagbabago.


Ang naganap na pagbabago sa Pilipinas ay panumumbalik lamang ng mga institusyong burges at hindi naging makabuluhan sa masang Pilipino. Lalo lamang nalugmok sa hirap at pagdarahop ang masang Pilipino  mula noong 1986.


Ang anumang rebolusyon ay isang pagdiriwang ng pakikibaka ng masa. Isang makabuluhang pangmasang pagsisikap na tutungo sa hangaring kanilang minimithi at hinahangad. Hindi man ito matupad sa una, lagi nang maririyan ang pagkakataon at patuloy lamang silang makibaka, ito ay matatamo nila


Muling pinatunayan ang  sinabi ng isang dakilang rebolusyonaryo; “Ang masa, ang masa lamang ang lumilikha ng kasaysayan.”


Sa taumbayan ng Ehipto, sa mahigit 300 daang martir nag-alay ng kanilang buhay at nagbuhos ng dugo sa lahat ng dako sa loob ng 18 araw, kami ay nagpupugay!


 Sa lahat ng dakilang kababaihan at magigiting na lalaking nakibaka para matamo ang tagumpay, saludo kami sa inyo at hangad ang higit pang tagumpay!


 Mabuhay ang inyong pakikibaka!  Mabuhay ang Ehipto!


NANGAHAS KAYONG MAKIBAKA, NAKAMIT NINYO ANG TAGUMPAY!

PAGPAPATIWAKAL NI GENERAL REYES, LALONG NAGPALABO SA KASO NG KURAKUTAN SA AFP

PAGPAPATIWAKAL NI GENERAL REYES, LALONG NAGPALABO SA KASO NG KURAKUTAN SA AFP

“Ang kamatayan ni Angelo Reyes ay kasinggaan ng balahibo ng manok”

Nakalulungkot ngunit masaklap isiping ang pagpapatiwakal ni dating Heneral Angelo Reyes ay higit na nagpalabo kaysa nagpalinaw sa imbestigasyon hinggil sa garapal na pangungurakot sa loob ng AFP.

Sa halip na harapin bilang isang maginoo at matapang na opisyal militar, winakasan ni Reyes ang sarili.

Ipinagmamalaki ito ng ng mga kaklase niya sa PMA bilang hara-kiri at tinawag pa siyang isang “Samurai”( mandirigmang Hapones) ngunit ang tanong ng maraming Pilipino; Matatawag ba siyang isang mandirigma gayong tinakasan niya ang problema at hindi niya sinagot ang mga akusasyon laban sa kanya?

Ang kanyang pagpapatiwakal ay maituturing pagtanggap ng kanyang kasalanan sa mata ng maykapal at ng taumbayan. hindi ito makagagan sa kanyang mg kasalanan. nagawa lamang niyang takasan ang sala at ang parusang dapat sanang ipataw sa kanya ng burges na batas."  

Mas maraming naiwang katanungan

May pinagtatakpan ba si Reyes kayat ayaw niyang mandamay ng iba? Ayon mismo sa mga malalapit sa kanya, kausap niya si GMA bago siya nagpatiwakal. Sinabi pa niya diumano; “Wala na ito.”

Sa wari inihahanda niya ang sarili sa pagharap sa suliranin ng nag-iisa. Nag-iisa na lamang siyang haharap sa kahihinatnan ng imbestigasyon. Siya ang mababagsak ng sisi. Wala nang iba. Pinabayaan na siya.

Sa kanyang pagpapatiwakal, mapapagtakpan ba niya ang totoong ummiral hanggang ngayon ang bulok na sistema ng pangungurakot ng pera ng bayan sa loob ng bulok na AFP?”

Marahil tulad ng kanyang inaasahang medyo nagpreno ang mariing atake laban sa kanya at sa kanyang pamilya. Ngunit mas maraming tanong ang lumabas at amrahil lalabas pa dahil sa kanyang pagpapatiwakal.

Mariing binabatikos ng marami lalo na angmga progresibong sector ang pasya na bigyan siya ng karangalan at ilibing sa libingan ng mga bayani.

Tulad ni diktador Marcos hindi dapat ilibing ang isang duwag na tumatakas sa kanyang responsebilidad.

Oportunistang Heneral

Alam ng lahat na si Reyes ay isang opurtunista. Kumampi siya kay GMA at iniwanan si Erap Estrada noong 2001. Siya rin gayung siya ang namuno sa marahas na Oplan Lambat Bitag laban sa NPA at sa pagsupil sa MILF. Maraming utang na dugo si Reyes mula noong siya ay nagopisyal hanggang sa maging isang pulitikong tagasuporta ni GMA.

Siya rin- sila ni Victor Corpus ang itinuturo ng mga rebeldeng militar ng Oakwood noong 2005 na utak nang pambobomba sa Davao City para mailatag ang matagalan sanang paghahari ni GMA sa “Oplan Everlasting.”

Maaaring parangalan ng mga rekasyonaryo lalo na ng bulok na AFP si Reyes pero hindi siya kailanman pararangalan ng sambayang Pilipino. Ang parangal sa kanya ay isang walang kwentang parangal na dagdag na gatos lamang ng bayan.

Isang bulok na parangal ng kapwa niya bulok na istitusyon ng AFP o ng SALAPI o Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Salapi ang sinamba ni Reyes, Ito rin ang dahilan ng kanyang pagpapatiwakal. Sana makonsesnya ang iba pang opisyal militar at humanap na ng tunay na pagbabago bago sila matulad kay Reyes na huli na ang lahat bago nakita ang katotohanan.

***