12.2.11

PAGPAPATIWAKAL NI GENERAL REYES, LALONG NAGPALABO SA KASO NG KURAKUTAN SA AFP

PAGPAPATIWAKAL NI GENERAL REYES, LALONG NAGPALABO SA KASO NG KURAKUTAN SA AFP

“Ang kamatayan ni Angelo Reyes ay kasinggaan ng balahibo ng manok”

Nakalulungkot ngunit masaklap isiping ang pagpapatiwakal ni dating Heneral Angelo Reyes ay higit na nagpalabo kaysa nagpalinaw sa imbestigasyon hinggil sa garapal na pangungurakot sa loob ng AFP.

Sa halip na harapin bilang isang maginoo at matapang na opisyal militar, winakasan ni Reyes ang sarili.

Ipinagmamalaki ito ng ng mga kaklase niya sa PMA bilang hara-kiri at tinawag pa siyang isang “Samurai”( mandirigmang Hapones) ngunit ang tanong ng maraming Pilipino; Matatawag ba siyang isang mandirigma gayong tinakasan niya ang problema at hindi niya sinagot ang mga akusasyon laban sa kanya?

Ang kanyang pagpapatiwakal ay maituturing pagtanggap ng kanyang kasalanan sa mata ng maykapal at ng taumbayan. hindi ito makagagan sa kanyang mg kasalanan. nagawa lamang niyang takasan ang sala at ang parusang dapat sanang ipataw sa kanya ng burges na batas."  

Mas maraming naiwang katanungan

May pinagtatakpan ba si Reyes kayat ayaw niyang mandamay ng iba? Ayon mismo sa mga malalapit sa kanya, kausap niya si GMA bago siya nagpatiwakal. Sinabi pa niya diumano; “Wala na ito.”

Sa wari inihahanda niya ang sarili sa pagharap sa suliranin ng nag-iisa. Nag-iisa na lamang siyang haharap sa kahihinatnan ng imbestigasyon. Siya ang mababagsak ng sisi. Wala nang iba. Pinabayaan na siya.

Sa kanyang pagpapatiwakal, mapapagtakpan ba niya ang totoong ummiral hanggang ngayon ang bulok na sistema ng pangungurakot ng pera ng bayan sa loob ng bulok na AFP?”

Marahil tulad ng kanyang inaasahang medyo nagpreno ang mariing atake laban sa kanya at sa kanyang pamilya. Ngunit mas maraming tanong ang lumabas at amrahil lalabas pa dahil sa kanyang pagpapatiwakal.

Mariing binabatikos ng marami lalo na angmga progresibong sector ang pasya na bigyan siya ng karangalan at ilibing sa libingan ng mga bayani.

Tulad ni diktador Marcos hindi dapat ilibing ang isang duwag na tumatakas sa kanyang responsebilidad.

Oportunistang Heneral

Alam ng lahat na si Reyes ay isang opurtunista. Kumampi siya kay GMA at iniwanan si Erap Estrada noong 2001. Siya rin gayung siya ang namuno sa marahas na Oplan Lambat Bitag laban sa NPA at sa pagsupil sa MILF. Maraming utang na dugo si Reyes mula noong siya ay nagopisyal hanggang sa maging isang pulitikong tagasuporta ni GMA.

Siya rin- sila ni Victor Corpus ang itinuturo ng mga rebeldeng militar ng Oakwood noong 2005 na utak nang pambobomba sa Davao City para mailatag ang matagalan sanang paghahari ni GMA sa “Oplan Everlasting.”

Maaaring parangalan ng mga rekasyonaryo lalo na ng bulok na AFP si Reyes pero hindi siya kailanman pararangalan ng sambayang Pilipino. Ang parangal sa kanya ay isang walang kwentang parangal na dagdag na gatos lamang ng bayan.

Isang bulok na parangal ng kapwa niya bulok na istitusyon ng AFP o ng SALAPI o Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Salapi ang sinamba ni Reyes, Ito rin ang dahilan ng kanyang pagpapatiwakal. Sana makonsesnya ang iba pang opisyal militar at humanap na ng tunay na pagbabago bago sila matulad kay Reyes na huli na ang lahat bago nakita ang katotohanan.

***

No comments:

Post a Comment