23.3.12

DC, Bagong Ro

Tula
Marso 18, 2012

DC, Bagong Roma

Nilikha ang bagong Roma,
Bayang nililok mula sa putikan,
Sa gitna ng mga ilog at lawang
Tinayuan ng mga batong gusali
Upang pahangain ang mga hari,
Reyna ,Presidente at ulo ng mga bansa

Nakakalat ang mga monumento
Sa iyong pithaya
simbolo daw ng mga tagumpay,
Bagamat walang mga alipin at
Kayamanang ipagpaparangalan
Sa mga parada, ang iyong lakas
isinisigaw sa lahat.

Habang ang mga parada
Ng tagumpay ssa digmaan
para sa New York,
Ang panunumpa ng presidente
para sa iyo,
Ang seremonya ay mula sa Kongreso
Tungo sa Bahay na Puti
Pabalik sa iyo.

Tulad ng mga nagwaging senturyon
sa mga digmaan sa kanilang karwahe,
dala ang mga dambong ng digma
at mga aliping huli,
paparada ang mga hukbong
nagwasak at sumakop sa mundo.

Dito ang mga ulo ng  bansa
Ay kailangang magbigay pugay
Sa Puting Bahay na Bato
Hindi na Senadong walang babae
Kundi ang kanilang mga asawa at kabit

Dito ang gabi ay tulad din sa lahat,
Kung saan puno ang mga niteclub
At lihim na putahan at lalakihan,
Nabababaha ang alak at pulutan
At nagpapalitan ang katas
Ng mga nambabae at nanlalaki

Tulad ng dati
pilit itinatago ang panlulumo
sa tagay ng alak at pagkawala ng libido,
sa sayawan at walang kwentang usapang
hahatong sa kama at tagisan ng mga katawan
at makamundong pagnanasa.

Habang ang mga bantayog
ay naliliwanagan ng mga lente,
ang kukutikutip na mga casa
ay umiindayog sa mga katawan
mistulang sutla na nagsasayaw
sa hangin, sa alak at tugtog.

Ano ba ang bago sa Washington DC?
Wala, kundi ang lumang kapalaluhan,
Ang yabang ng kapangyarihan
At lakas ng banta ng digma?

Nag-iba lang marahil ang DC
Sa isang pag-ibig sa gitna ng protesta,
Kahit kailan ang pag-ibig na ito
Ay dalisay at totoo.

Itong lang ang too sa gitna ng dalisay
At maraming puting crysantemum
Na nagbubunga sa tagsibol
Ng bawat panahon.

Al P. Garcia

No comments:

Post a Comment