28.8.10

When A Giant Tree Fell

When a giant tree fell
It crashed silently in the forest
The strong thud was never heard
Because it was deep, very deep
In the distant mountains.
It was just for a moment,
The creatures heard the crash
But it is just like a rustling of the winds,
The strong cascade from the falls,
The strong sway of the breeze
That chimes with the snow
I still quiver with the cold
summer rains that came
unannounced at the end of spring
like the news of your death,
rest my friend and comrade,
the jealous one,
I treasure your memories,
I envy your dedication
A true servant and a fighter
For the people.

Thursday, July 29, 2010 at 9:59am

Aktibista sa Amerika (2)

Bato sa langit, tamaa'y magalit
ang tanong sa sagot ng akademia,
maraming klase ng aktibista dito sa Amerika
may tunay, may peke, may nagpapangap na aktibista.

...Tignan mo nang nagkakampanya si Barack Obama
siya daw aktbista sa NGO dito sa Amerika
laban daw siya sa masamang gyera
noong manalo na, pinalalang husto ang todo gyera

Andyan din ang mga sosyal na aktibista
inuman, pasosyalan doon sila aktibista
nag-uunahan sa pagsuporta
sa mga kandidato dito at sa bayang sinta

aktibista lang sila sa panahon ng eleksyon
o may isyung papapelan, bida sila doon
"empowerment ang nais ang kanilang layon
pagtapos ng labanan, tiklop na sila doon

andyan din ang mga aktibista kuno
pagbabago daw sa sistema ang hangarin nito
yung pala pera at kantayagan ang hanap nito
kapag sikat na, bahala na kayo.

May aktibista ding tingins a sarili sila ang pinakamagaling
ang lahat ay bobo, tagasunod lang sa bilin,
sentralismo kuno ang hirit ng magaling
kaya walang masang tagasunod ang sobra ang galing

Sila daw ang kinatawan ng bayang Pilipinas,
kaya sa Amerika sila ang pantas,
kung wala kang prankisa o awtoridad
ikaw ay "rejectionist" o taong labas

Kaya katoto ayan ang iba't ibang klase
ng aktibistang tinatanong mo
bahala kang mamili kung ano ang totoo
bahalang kumilatis ng kung ano
ang mali sa tama, ang lisya sa totoo.

Friday, July 30, 2010 at 9:41am

Nang Mabuwal ang Higanteng Puno

Nang mabuwal ang higanteng puno
...mabilis itong gumuho
nang walang nakarinig
ang malakas nitong bagsak
sa gitna ng malalim na gubat
ay sigaw na impit
ngunit lahat ng nakakaalam
nakadama ng sakit
tulad ng pagdapo
ng hanging malamig,
ng sayaw ng dahon
sa himpapawid,
singlamig ng niyebe
sa tag-lamig,
nakakapanginig,
dampi ng biglang ulan
sa napakahabang tag-init,
na biglang sumapit
sa matagal na tagsibol
ang kamatayan mo, kasama
ay isang balitang nakakagulat
sa gitna ng tag-init
humimlay ka
kasama at kaibigan
guro at kapatid,
ikaw na managhili
ngunit tunay na kaiingitan
sa iyong katapatan at lugod,
isa kang tunay na mandirigma
at tagapaglingkod,
sa puso ng sambayanan
mayroon ka nang
matayog na bantayog,

Friday, July 30, 2010 at 12:18pm