Lathalain
Bakit Kailangang
Panoorin ng mga Pilipino sa Amerika ang “Amaya”
Hindi dahil sa nais kong ipahayag na maganda ang obrang “Amaya
ng GMATV dahil lubha na akong naiinis sa mga pinaikot( recycled) na mga telenovela
ng ABS-CBN o ng GMA 7. Kaya “ Mula sa
Puso” –ang nais kong sabihin.
Sa palagay ko makapangyarihan ang Amaya dahil naglalahad ito
ng pakikibaka, buhay at sinaunang kultura at kasaysayan ng mga Pilipino.
Partikular ng kultura at kasaysayan ng mga kaugalian bago pa dumating ang mga mananakop
na Kastila na nakikita parin natin hanggang ngayon sa ating komunidad sa
Pilipinas maging sa Amerika.
Pinapatunayan nito ang mga sinulat ni Dr. Jose Rizal na may
sariling kakanyahan at katangian ang mga sinaunang Pilipino bago pa man
dumating ang mga Kastila.
Pinasisinungalingan nito ang mga pahayag ng mga mananalastas
na Kastila maging ng ibang dayuhan na sumulat ng kasaysayan ng Pilipinas na
walang kabihasnan ang mga Pilipino, mga ignorante at dumating sila para gawing
sibilisado ang mga Pilipino.
Nakatutuwang sa kabila ng mga panggagagad ng mga ilang
Pilipino sa dayuhan tulad ng mga telenovela kapwa sa ABS-CBN at sa GMA na
nangogopya sa dayo tulad ng Captain Barbel, Immortal ( Gaya sa Twilight at True
Blood), mga multo at kaluluwa tulad ng 100 Days atbp, dumating ang isang
telenovelang istorikong nagpapahayag ng ating pagiging maka-Pilipino.
Personal sa akin, waring nagiging balik-aral ito sa mga
aralin sa Social Studies noong elementary na nagbibigay aral sa sinaunang
Pilipinas. Sa mga Prinsesa ng kumintang , mga duplo, Balagstasan at sa mga
panahong ng mga Datu at Rakajn.
Ang yumaong Ishmael Bernal ay nagplanong gawaing pelikula
ang buhay at pakikibaka ni Rajah Soliman ng Maynila at ang makasaysayng labanan
sa bangkusay. Dnagan nga lamang at inabutan ito ng martial law ni Marcos noong
1972.
Noong mawala ang panahong gumagawa pa ang mga director natin
ng mga pelikulang tulad ng Makario Sakay, Lapu-Lapu, Noli me Tangere at ang
buhay ni Rizal at Andres Bonifacio at nangalwala na ang gma pelikulang ito. Isang bugso ng sariwang hangin ang Amaya na nilikha
ng GMATV.
Muling nanariwa sa akin ang dahilan kung bakit nagsasaboy
tayo ng bigas kapag may kinakasal. Bakit nagbibigay ng dote kapag namamahinkan.
At kung bakit ang mga ugaling ito ay nanatili kahot na makabago na ang panahon.
May mga pumipintas man o bumabatikos sa katotohanan at
pagiging tumpak ng Amaya, hindi na dapat itong pansinin. Ito ay dahil ano ba ang tumpak sa kalagayang
halos nabura na at wala nang naitala ang ating kasaysayan dahil sa 300 taong
pananakop ng mga Kastila at pangagantso ng Hollywood sa mga Pilipino. Mahusay
ang panulat ni Bb. Doctolero.
Tatalakayin ko marahil sa mga susunod na talakayan. Kung
dito ko ito tatalakayin hahaba an gating talakayan. Ayokong pagsawain kayo sa
aking isinusulat.
Isa lang ang matingkad na bagay ang sumasagi sa aking
isipan. Hindi kailaman maibabaon sa limo tang kasaysayan at ang magiting na
kultura ng isang lahi, mailalarawan at mailalarawan ito kahit na sikaping
patayin ng ibang kultura.
At mananaig ito tulad ng Amaya. Kaya dapat lamang panoorin
ito ng bawat Pilipino sa Amerika man at sa Pilipinas.
Tangikilin at mahalin ang
sariling atin!
************
No comments:
Post a Comment