Pagpupugay
Bagong Lider-Mandirigmang Malaweg sa
Makabagong Panahon- Ka Baylon (Jose Asco)
Ni Jacinto Luna
Buong giting na nagpupugay ang sambayang Pilipino sa kagitingan ni Ka. Jose
‘Ka Baylon” Asco .
Isang magiting na mandirigmang Malaweg sa bagong panahon. Ipinagpatuloy niya
ang magiting na tradisyon ng pakikipaglaban ng mga rebolusyonaryong lider na
lumaban sa mga Kolonyalistang Kastila
tulad ni Magalat ( 1595), Magtannga ng Itawes at Ines Carinugan ng
Silangang Kaitawisan. Nasawi si ka Baylon habang lumalaban sa pusod ng Kaitawisan sa
Piat, Cagayan. Siya at ang at apat pang mga mandirigma ng NPA ay nagbuwis ng buhay sa
labanan sa kapatagan ng Itawes sa Sityo Talinganay, Barangay Sto. Domingo, Piat, Cagayan noong Mayo
12, 2011.
Ang
Malaweg ay isang maliit na tribong minorya na nakabase sa Zinandungan
Valley sa pagitan ng Kalinga at Cagayan. Tinawag silang Malaweg ( ibig
sabihin sa Kastila ay Masamang Tubig--Mal at Ueg ( Ilog ) sa salitang
Itawes).
May
sariling kabihasnan ngunit iba sa tribong Itawes na nasa Kabundukang
Silangan at Kanlurang kapatagan ng Cagayan. Ang mga Malaweg sa kapatagan
ng Cagayan ang pinakahuling nagapi ng mga Kastila. Ngunit ang mga nasa
bundok lalo na sa Zinandungan Valley ay nanatiling malaya. Napailalim
lamang sila sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano.
Si
Ka. Baylon Isa siyang magsasakang ulila na sa mga magulang na nakatira
noon sa Barangay Bato, Rizal, Cagayan. Ang lugar na ito ay nasa bukana
ng Zinandungang Valley sa may kapatagan ng Itawes. Kalaunan, naging
foreman siya ng Redwood
Logging Company, isang trabahong nagdala sa kanya sa liblib ng mga
kagubatan
palapit sa mga mandirigma ng New People’s Army na nagpamulat at
nagpakilos sa
kanya sa rebolusyon. Noong 1979, sumampa siya sa NPA.
Pundador ng NPA
Nakasama siya sa mga unang buong SYP na kumilos sa Kanlurang Cagayan sa may Zinandungan Valley at Santo Nino. Isa siya sa
mga nagpundar ng kilusang magsasaka sa lugar na ito hanggang sa lumaganap ang
kilusan sa buong lambak ng Cagayan at sa Kalinga-Apayao.
Elementarya lamang ang kanyang natapos, ngunit naaral niya ang kalagayan ng
lipunan at ibinahagi ito sa masang magsasakang sinamahan niya sa paglaban
hanggang sa huling hininga.
Pinakamagandang biro niya na di malimutan ng lahat at nagkakatawanan kapag
ikinukuwento niya na ;”
Ang kaklase kong
si Mayor Raul Dela Cruz,( isang malaking panginoong may-lupa sa Rizal,
Cagayan na kabilang sa Pamilyang Villaflor at Sequi sa lalawigan ng
Cagayan) sa elementarya ay nangogopya lang sa akin
lalo na aritmeteka.” Patunay na kahit mahirap, magaling si Ka. Baylon kahit
hindi siya nakapagtapos, Patunay ang mga mahahalagang tungkulin ginampanan niya sa kilusan
mula 1979-2011.
Nang buuin ang Unang Platung Partisano sa Cagayan at Apayao sa Southwest Front (SWF) noong 1985, isa siya
sa nahirang na mamuno sa Sangay ng Partido na mamahala sa pakikibakang masa at
pakikidigmang partisano sa panahong ng SCO.
Nanatili siyang matibay na timon at angkla sa pagpupundar ng Partido at sa
pagsusulong ng rebolusyon sa Cagayan Valley at rehiyon ng Ilocos bago, sa panahon
ng SCO at sa pagsusulong sa Kilusang ng Pagwawasto. Ginampanan niya ang lahat ng tungkuling iniatang sa kanya sa abot ng kanyang
makakaya, tungkuling pang-organisasyon, pampulitika o pangmilitar man ang mga
ito. Kabilang sa mga pusisyong hinawakan niya ay ang pagiging isa sa namumuno
sa Roger Baccud Front noong 1986, South Party Committe-Cagayan noong 1988.
Haligi ng Pagtutuwid
Gumanap siya sa Apayao Party Committee noong 1993, Northwest Cagayan Party
Committee noong 1995, at sa panahon ng kamatayan ay bilang kagawad ng Komiteng
Larangan sa Danilo Ben Front-West Cagayan. Kahit maari nang magpahinga dahil sa
edad at kalagayang pangkalusugan, pinili niyang gumampan ng gawain sa larangang
gerilya. Gumabay at nagsanay siya sa mga bagong kadre at kasapi ng Partido,
naging mahusay na kumander ng platung gerilya
Binigo ni Ka Baylon ang maraming pagsubok sa kanyang katatagan, hindi lang
ang mga panloob na mga kontradiksyon sa isip o sakit sa katawan. Nanatili
siyang matibay kahit dekada na siyang pinasusuko ng kaaway, sa pamamagitan ng
suhol man o karahasan.
Tinawanan niya ang mga alok sa kanya ng pagsurender, napoot siya sa
pagdidiin sa kanyang mga anak at kapamilya upang sumuko siya, kabilang ang
pagpaslang ng militar sa kanyang bagong-panganak na asawang si Maria ‘Ka Rema’
Gubat noong 2001. Sa mahigit 33 taong pagsisilbi niya sa mamamayan, hindi siya
nanlamig sa paglaban ni isang saglit. Magiting na tradisyon ng tribong Malaweg.
Magiting siyang naging inspirasyon hindi lang sa mga kapwa namumuno at
pinamumunuan, kundi pati sa masang anakpawis sa buong rehiyon.
Nakasaludo ang mga kadre at kasapi ng Partido Komunista, mga komander at
mandirigma ng NPA, at buong rebolusyonaryong puersa sa
Cagayan Valley sa naging buhay at kamatayan ni Kasamang Jose Asco.
Buhay at kamatayan itong di mamamantsahan anumang putik ang ibato ng
reaksyunaryong rehimen sa rebolusyonaryong kilusan, isang kasaysayan na
magsisilbing bantayog na kailanma’y nakatirik at di magigiba sa dibdib ng uring
api, gaya ng kanyang prinsipyo na ating pagliliyabin hanggang sa pananagumpay
ng rebolusyon.
Mabuhay ang ala-ala ni Ka Jose Asco
at lahat ng rebolusyonaryong martir!
Mabuhay si Ka. Baylon!
*******
No comments:
Post a Comment