ula
Mga Anak ng kabayo, Apo ng Galunggong
(Pasintabi kay Ka Roger)
Mga anak ng kabayo ,
malakas sumipa kapag nagagalit,
Mas mapalad pa sa tao
Dahil asendero’y nagmamalasakit,
Sa kabayong gamit sa Polo.
Laro ng mga hari’t prinsipe-
may sariling bahay,tagapag-alaga,
May tagapulot at damong ari,
Samantalang ang mga anak
Ng kabayong tao
Lagi na sa pighati,
Pagkain ay galunggong
O kaya ay asin at siling
Pantighaw sa gutom lagi;
Ngayon, mga apo ng galunggong,
Wala nang makain;
Dahil ang galunggong
Lumayo sa malalim ng dagat
At lumipat na sa Hilaga--
Dahil sa El Nino at El Ninang
Nagpatuyo sa pugad
Ng maaskad na isdang
Pagkain ng mahirap,
Kaya ang mga apo ng galunggong,
Nagmahal na at mahirap bilhin,
Ng aping mahirap
Wala nang makain.
Mahirap talagang maging apo ng kabayo
Lalo ang apo ng galunggong;
nangibang bansa na at lumayo
Sa Silangang Pasipiko,
Nagtago sa dagat
ng Rusya at ng mga Hapon
naninindim dahil sa lamig,
malayo na sa init
ng matinding hilahil.
Agosto 07, 2011
***********
No comments:
Post a Comment