Artikulo
Paang Bundok
Hiniling ni Dr. Jose Rizal, iniwan niya sa kanyang mga sulatin, na mailibing siya sa Paang Bundok.
Paang
Bundok ang tawag sa semeteryo sa bandang hilaga ng Maynila, katabi ng
sementeryo ng mga Tsino. Kilala rin ito ngayon sa bansag na Semeteryo
Del Norte. Dito rin nakalagak ang labi ng mga kilalang tao ng Pilipinas.
Nakalibing dito ang mga Pangulong sina Ramon, Magsaysay, Manuel Roxas,
Manuel Quezon. Hanggang sa ilipat si Quezonsa kanyang museleo sa Quezon
City.
Dito rin naganap ang pinakamatinding labanan sa
pagitan ng mga Pilipino at Amerikano noong 1899. Ito rin ang naging
lugar ng bitayan ng mga bayaning Pilipino, ng mga gerilya at mga
suspetsadong kaaway ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Kayat makasaysayan ding lunan ang lugar na ito.
Dito rin
nakalagak ang labi ng mga bayani ng Rebolusyong 1896 hanggang sa
mapaglilipat ito sa kani-kanilang mga probinsya at bayan. Kahit marami
nang libingan ng mga mayayamang ginawa at tinatawag na mga “memorial
parks”, nanatili pa ring libingan ng mga mahihirap ang lugar na ito.
Sa
katunayan, dalawa ang sementeryong dito. Ang sementerio ng La Loma na
bansag sa salitang Kastila sa paang bundok na pag-aari ng syudad ng
Quezon. Ang Loma ay salitang Kastila sa burol. Samantalang ang Norte na
pinatatakbo ng lunsod ng Maynila.
“Apartments” ang tawag
sa mga butas sa pader na may mga libingang patung-patong na madalas
makita sa mga pelikulang Pilipino at sa mga telenovela na libingan ng
mga mahihirap.Halos lahat ng pelikulang Pilipino,hindi mawawala sa
eksena ang lugar na ito. Sa panahong nauso ang telenovela,pasak ang mga
ito sa mga eksena lalo na sa mga pagkamatay at drama.
Dati
mura ang magpalibing sa butas sa lupa. Ngunit nang magmahal ang singil
sa paglilibing at pagmementena ng libing sa lupa, mas mura na ang
paglilibing sa apartment.
Ang mga apartment na ito ay ang
pader na nakapalibot sa sementeryo kapwa sa La Loma at sa Norte. Sa
katunayan, nakalutas ito ng problema ng pagdami ng nakalibing sa
lumiliit na espasyo ng dalawang sementeryo kahit na marami nang
pribadong memorial parks na nagawa sa labas ng Maynila.
Ngunit
kung gusto mo makita ang pagkakaiba at tatak ng mga uri, magtungo ka
lang sa sementeryong ito at makikita mo ang pagkakaiba ng libingan ng
mga anak-pawis at mga mayayaman. Lalo nang mga kilala at mapera at ng
mga karaniwang mamamayan.
Dito nakalagak ang marami sa
aming mga ninuno at mga kakilala. Ilang aktibista din ang nalibing at
ipinagdalamhati naming noong Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970. At sa tuwing
maglilibing kami ng kasamang aktibista hindi ko nalilimutang dumaan sa
libingan ng aking mga kamag-anak.
Hindi ko rin
nalililumutang dalawin ang Museleo ng mga Rebolusyonaryo ng 1896. Ngunit
ng dumalaw ako doon bago umalis noong 1997, marami nang bayani ang
nawala na doon at inilipat sa kanilang mga probinsya tulad ng ina ni
Jose Rizal at si Apolinario Mabini.
Masaya ako kapag
kapiling ko ang mga bayaning nagtayo ng ating bayan. Kahit man lang sa
kamatayan nila, nakasama ko sila at hindi lamang binabasa.
Hindi
na ako nagtatak dahil mukhang may amnesia ang mga nasa gobyerno at
walang pagpapahalaga sa mga bayani. Ang dating libingan ng mga di
kilalalang bayani na nasa Fort Santiago ay nilipat sa Libingan ng mga
Bayani sa Fort Bonifacio. At mukhang doon pa ililibing ang diktador na
si Marcos kung masusunod lamang ang mga pulitiko.
Isang
simpleng libingan ang lagi kong itinuturo sa aking mga kakilala dahil
itinuro sa akin ito ng aking Lolo. Ito ang batong puntod ng dakilang
manunula na si Jose Corazon De Jesus na kaibigan ng aking abuelo.
Ang
simpleng puntod ay nasa ilalim ng isang puno ng balite at ang kanyang
tula ang nakasulat sa lapida at ang tula ay ay hinggil sa lilim ng puno.
Isang
akmang obra para sa isang dakilang makata ng bayan na hanggang ngayon
ay nababangit kapag inawit ang “Bayan Ko”at ang “Pakiusap”na kanyang
likha.
Huling salita, bumalik tayo kay Dr. Rizal, marahil
malulungkot si Rizal dahil sa akala niya dito siya malilibing. Ngunit
itinago ng mga Kastila at lihim siyang inilagak sa sementeryo ng Paco,
sa timog ng Maynila. Ngunit natunton ito ng kanyang mga kapatid at
pagkaraan ng ilang taon, inilagaks a ilalim ng kanyang monumento
ipinagawa ng mga Amerikano sa Luneta.
Patunay lamang ng
lahat ng nais natin sa mundo ay hindi natin makakamit. May gagawa ibang
nito para sa atin.Lalo kapag tayo ay wala sa mundo.
**********
No comments:
Post a Comment