Artikulo
Ilang Tala para sa Araw ng Kalayaan ng Amerika, Hulyo 4, 2011
Nang
mapanood ko ang "John Adams" sa HBO, sumagi sa aking gunita at wari'y
nahabag ako at naikompara ang naganap kina Felipe Agoncillo na
nagtangkang katawanin ang Unang Republika sa Amerika noong 1899.
Inalipusta
siya at di tinanggap ng Kongreso ng Amerika. Tulad ni Adams, kinatawan
ni Felipe Agoncillo ang republika ni Aguinaldo sa Amerika sa panahong
may digmaan sa pagitan ng Amerika at ng Pilipinas. Kaiba kay Adams na
tinanggap sa Pransya,
Sina Teodor Agoncillo ay inupasala,
hindi tinanggap at hindi kinalala ngKongreso ng Amerika. Sa kabila nang
katotohanang sariling gatos ang lakad ni Agoncillo, hindi ito naging
mabunga, Tanging ang Anti-Imperilalist League lamang sa Boston ang
nakinig sa kanila. Sa halip, nagdeklara pa ng gyera ang Kongreso at
ginawang pormal ang gyera at sinakop pa ang Pilipinas sa loob ng 50 taon
at magpahangang ngayon.
Samantalang si John Adams, dahil
hindi marunong magsalita ng Pranses ay napag-iwanan ni Benjamin Franklin
sa gawaing diplomatiko Sa Korte ng Pransya,tulad ni Agoncillo, siya ay
dumanas ng mga pagkabigo at pag-upasala. Hindi lamang sa mga Pranses
kundi sa mga Holandes . Ito ay nang magsikap siyang humingi ng suporta
sa Amsterdam, Holandiya, Ni ayaw siyang pautangin dahil wala raw
kakayahang magbayad ang Amerika.
Ang karanasang ito ay
tumatak sa kamalayan ni Adams. Siya ang nagsabi na kailangang irespeto
muna ang sarili bago irespeto ng iba. Ngunit napatunayan niyang umpisa
lamang ito. Kailangan ka ring irespeto ng iba sa pamamagitan ng iyong
sariling lakas.
Ganoon din ang nangyari kay Benjamin
Franklin na matagal binuro ng mga Pranses bago binigyan ng pansin ng
Hari ng Pransya. Kaiba lang kay John Adams, si Franklin ay lubhang
pasensyoso at sanay sa buhay burges. nasanay na siya sa arte ng
diplomasya. Ang arte ng matagal na paghihintay at tamang oportunidad.
Hindi tulad ni Adams na laking bukid, may ugaling magsasaka na mainipin
bagamat isang intelektwal.
Magkaiba sila ni Franklin o ni
Thomas Jefferson na kapwa magaling magsalita ng Pranses. Direkta at
mainipin si Adams. Kaya hindi siya makatagal sa diplomasya na ayon kay
Franklin ay; “Ang arte ng nagpapakita ng maraming gawain habang itinatago sa kakaunting resulta.”
Karanasang Pilipino
Sa
karanasan ng Pilipinas, sina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto mismo
ang nakapag-usap sa mga Hapon at nakakuha ng suporta ng Emperador laban
sa Kastila at para sa rebolusyong Pilipino ng 1896. Sa katunayan,
nagdeklara at nagbigay ng tulong ang Emperador ng Hapon. Dangan nga
lamang ang unang byahe ng mga armas ay sinamang palad na lumubog. Ang
iba pang armas ay naimbak sa Hapon at inabutan na ng rebolusyon.
Samantala
sa Hongkong, sina Felipe Agoncillo, Mariano Ponce at Juan Luna ang
nagsikap na kumalap ng malawak na suportang materyal at pinasyal para sa
rebolusyon. Nagpatuloy ito laban sa digmaan laban sa Amerikano. Sa
katunayan, nagpatuloy si Mariano Ponce na nagbase sa Hongkong at Japan
sa pakikipagtalastasan sa mga Hapon kahit na nasakop ng mga Amerikano
ang Pilipinas.
Sa katunayan, sa pakikipag-ugnayans a
kaibigang si SunYat Sen, nailipat ni Mariano Ponce ang may 2,000 ripleng
Kimura na hindi nailusot tungo sa Pilipinas para maitulong sa
rebolusyong Tsino laban sa dinastiyang Manchu noong 1911. Naipasok ang
armas sa pamamagitan ng mga tauhan ni Sun Yat Sen at ginamit sa
pag-aalsa sa Canton laban sa Emperador ng Manchu.
Lubos
itong kinikilala ng mga Tsino maging ng Tagapangulong Mao nang lumaya
ang Tsina noong 1949 bilang isang “ malaking tulong sa rebolusyong
Tsino.”
Ito ang karanasan ng mga diplomata ng mga bagong
tatag na republika o nang mga nakikipaglabang kilusan sa lahat ng panig
ng mundo. Ito ay bahagi ng kanilang pagpapakilala sa kanilang
rebolusyonaryong kilusan. Kaya nga dahil sa karanasang ito tumimo sa
isip nian Adams maging kay Washington ang patakarang panlabas ng
Amerika; “ Wala itong permanenteng kaibigan o kaaway, tanging
permanenteng pambansang interes.”
Kaya sa ikalawang
pagtungo sa Kongreso sa paglolobby ng JFAV, dala ang inspirasyon kina
Adams ng Amerika at Agoncillo ng Pilipinas, dala namin ang
determinasyong ipaglaban ang interes ng ating mga beterano at balo kahit
waring papalimos ng awa at benepisyo para sa ating mga kababayan.
Isulong ang pakikibaka para sa hustisya at pagkakapantay-pantay!
*************
No comments:
Post a Comment