14.5.12

Sa Liwanag ng Buwan



Tula

Mayo 6, 2012



Sa Liwanag ng Buwan




Nais kong abutin
ang bilog na bilog,
bagong buwan
Dahil ang larawan mo
ang aking
Nakikita.

Nais kong igapos ,
Hulihin ang iyong mga mata
Higupin ang bolang Kristal nito
Tulad ng malinamnam
na booba.

Nais kong pihitin
ang susi ng nakaraan
Upang ipinid ang lahat ng tabing,
Ikubli at itago ka
sa dilim ang buwan

Nais kong sipsipin,
matamis na nektar
Awayin ang bubuyog
ng iyong halakhak,
mataginting,
awit sa pandinig.

Nais kong sisirin
ang perlas sa kailaliman,
Hindi na umahon
at magising,
Malango
sa alak ng kaligayahan

At muling matutong
umawit,
humabi ng rima
sa gitna ng dilim
sa iyong nagkalat na liwanag.

ApG
6/6/12

"

No comments:

Post a Comment