2.7.11

Pagkikita

Pagkikita

Namasdan kita sa sulok.
Mailap ang iyong mata,
Naghahanap ng kakilala,
...Umupo ka ng patingkayad ng walang makita
Humitit ng sigarilyo sa labas
saka ka lamang ngumiti
nang makita ang kakilala
Iyon ang una nating pagkikita,
Sa ikalawang ulit,
ngumiti ang iyong mga mata
ito ang lihim
Ng iyong ganda
Ang ngumingiti mong mga mata
Sa likod ng salaming
nagtatago
Sa talim ng pagkilala.

Hunyo 21, 2011
Los Angeles

No comments:

Post a Comment