1.7.11

Nang umulan ng malakas sa Tag-Araw

Tula

Nang umulan ng malakas  sa Tag-Araw

Biglang umulan
nang ikaw ay umalis
Matapos mong sabihing
hindi mo ako mahal;
Waring pinalis ng ulan
ang araw
itinago ng makapal na ulap
na biglang dumating
ng walang pakundangan;
Sa iyong plinanong paglisan
Iniwan mo ako sa gitna ng ulan
Ayaw ko na sanang sumilong
Ngunit maraming gawaing
Dapat gampanan.
Iniwan mong sugatan
Ang puso’t damdamin
Ngunit walang sugat
Na hindi nagagamot
ng panahon
Kahit maghilom at ito man
At maging balantukan,
Hindi kasingsakit ng tama
Ng punglong naglagos sa laman,
Pagkabigo’y hagdan
Tungo sa pagbabago

Sa pag-iisa maraming
Gawaing magampanan
At ang bagong pag-ibig.
Marami pang pag-ibig
Ay sisibol kahit tapos na
Ang tag-araw.

Apg
06/25/2011

No comments:

Post a Comment